Umiinit ang NBA
Mainit na ang playoffs sa NBA.
Pinag-uusapan na kung sinu-sino ang maglalaban-laban sa semifinals ng playoffs.
Magandang bantayan ang LA Clippers-Memphies series. Tabla na ngayon ang kanilang serye sa 2-2 first round ng Western Conference.
Hinuhulaan ng marami na aabot ito ng Game 7 at Clippers ang uusad.
Pasok na ang San Antonio at Miami matapos sibakin ang LA Lakers at Milwaukee ayon sa pagkakasunod.
Sa serye ng Oklahoma City at Houston, inaasa-han ng marami na ang Thunder ang magtatagumpay.
Ang kaso, nagkaroon ng injury si Russell Westbrook na nag-miss ng game sa unang pagkakataon sa kanyang career sa Game-4 at di malayong ilang games pa itong mawawala dahil sa napunit na miniscus na sinasabing mangangailangan ng operasyon.
Alam nating malaking bagay si Westbrook sa Oklahoma kaya siguradong maaapektuhan ang kanilang kampanya sa West.
Maraming humula na kayang-kaya ng Thunder ang Rockets ngunit sa pagkawala ni Westbrook, may mga nagdalawang isip na.
Sa Denver vs Golden State, lamang na ang Golden State sa 3-1 ngunit marami pa rin ang naniniwala sa Nuggets.
Sa Eastern Conference playoffs, na-sweep na ng Miami ang Milwaukee at sinasabi ng marami na mananalo ang New York at Indiana kontra sa Boston at Atlanta. May mga hula rin na kayang silatin ng Chicago ang Brooklyn.
Bagama’t nakapasok sa playoffs ang Lakers, tuluyan na silang sinibak ng San Antonio sa pamamagitan ng sweep na inasahan na ng marami matapos mawala si Kobe Bryant.
Marami ang nagsasabi na ang koponang makakapigil sa tangkang back-to-back title ng defending champion na Miami ay ang San Antonio Spurs.
Abangan na lang natin ang mga susunod na pangyayari.
- Latest