^

PM Sports

Katmae nanalo kay Jockey Ponce

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Mahusay na ginabayan ni apprentice jockey JV Ponce ang kabayong Katmae para mapangatawanan ang pagiging paboritong kabayo sa nilahukang karera noong Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Nasa 11-kabayo ang nagsukatan ng husay sa 1,100-m distansya sa karerang itinalaga bilang SAPI-CD-1B at nakita ang ibayong tulin ng Katmae para kunin ang unang panalo matapos ang apat na takbo sa buwan ng Abril.

Ang Boss Pogi ang naunang lumamang pero sa rekta ay nakahabol na ang Katmae at sa huling 50-me-tro ng karera ay saka iniwan ang katunggali.

May bilis na 1:11.4 sa kuwartos na 19’, 24, 28, ang Katmae para higitan ang pangalawang puwestong pagtatapos noong Abril 16.

Ito ang ikatlong sunod na pagrenda ni Ponce sa kabayo na nagpamahagi ng P7.50 sa win habang ang 4-10 forecast ay may mas magandang P80.50 dibidendo.

Nagpasikat din ang Dynamic Love sa muling pagsakay ni NK Calingasan para manalo sa class division 1-A race na pinaglabanan din sa 1,100-m distansya.

Lakas din sa pagremate ang nakita sa Dynamic Love nang habulin ng tambalan ang mga nasa una-hang kabayo sa pangunguna ng Newsmaker at Never On Sunday.

Sa huling 200-meters nakuha ng nanalong kabayo ang liderato sa Newsmaker at hindi na nakabawi pa ang kabayong dala ni CV Garganta tungo sa unang panalo sa apat na takbo sa buwan ng Abril.

May 1:11 tiyempo na kuwartos na 19’, 24, 27’, at nadehado pa ang Dynamic Love para sa P19.50 dibidendo at P62.50 sa forecast na 7-6.

Ang pinakaliyamadong mga kabayo na nanalo ay ang Building Code, Chief Joesan at Mr. Xavier.

ABRIL

ANG BOSS POGI

BUILDING CODE

CHIEF JOESAN

DYNAMIC LOVE

KATMAE

MR. XAVIER

NEVER ON SUNDAY

NEWSMAKER

SANTA ANA PARK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with