^

PM Sports

Fareñas lalabanan si Zayas sa Texas

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatakdang sagupain ni Filipino ju­nior lightweight contender Michael Fa­reñas si Mexican boxer Gerardo Zayas para sa isang posibleng title shot.

Haharapin ni Fareñas (34-4-4, 26 knockouts) ng Gubat, Sorsogon si Zayas (19-21-2, 11 KOs) sa isang non-title, eight-round fight ngayon sa Erwin Center sa Austin, Texas.

Ang laban nina Fareñas at Zayas ay nasa ilalim ng banggaan nina Raymundo Beltran at Alejandro Rodriguez.

Tumimbang si Fareñas ng 132 pounds, habang si Zayas ay may bigat na 132.5.

Sakaling manalo kay Zayas, may tsan­sa si Fareñas na hamunin si IBF ju­nior lightweight title-holder Argenis Mendez sa Hulyo 27 sa Venetian Casino & Resort sa Macau, China na maka­ka­sama sa undercard ng ikalawang pro­fessional fight ni two-time Olympic gold medalist Zou Shiming.

Nakamit ni Mendez (21-2-0, 11 KOs) ng San Juan de la Maguana, Dominican Republic ang IBF title nang pa­bagsakin si Juan Carlos Salgado sa round four sa kanilang rematch noong Marso.

Ang 28-anyos na si Fareñas ay nang­galing sa kabiguan kay Yuriorkis Gam­boa ng Cuba noong Disyembre sa undercard ng Manny Pacquiao-Juan Manuel Marquez IV.

Natalo si Fareñas kay Gamboa lmula sa isang unanimous decision.

vuukle comment

ALEJANDRO RODRIGUEZ

ARGENIS MENDEZ

DOMINICAN REPUBLIC

ERWIN CENTER

GERARDO ZAYAS

JUAN CARLOS SALGADO

SHY

ZAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with