^

PM Sports

Summer Racing Festival ngayon

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Rambulan para sa gantimpalang P24,000.00 ang ma­tutunghayan sa hanay ng anim na kabayo na kasali sa 2013 Summer Racing Festival (HR-4) na isa sa ka­rerang nakahanay sa Metro Turf Club sa Malvar, Ba­tangas ngayong gabi.

Pinasigla ang tagisan sa isinahog na P40,000,00 ad­ded prizes na ipinagkaloob ng Philippine Racing Commission (Philracom) at Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) para lalong magpursigi ang mga hinete na ipa­nalo ang kanilang mga sakay na kabayo.

Ang mga maglalaban-laban sa race six na inilagay sa 1,400 metrong distansya ay ang Sure Class (Rus Tel­les), Ba­latkayo (JA Guce), Kismet (DH Borbe Jr.), Per­sian Empire (JB Guce), Sparkling Rule (JT Zarate) at Dream Of All (P Dilema).

Inaasahang magbabalikatan ang mga kabayong Ba­latkayo at Dream Of All na tumakbo sa idinaos na AP Reyes Stakes Race noong Abril 14 sa San Lazaro Lei­sure Park sa Carmona, Cavite.

Parehong hindi tumimbang ang dalawang kabayo sa magkahiwalay na karerang nilahukan kaya’t asahan na nasa kondisyon ang Dream Of All at Balatkayo pa­ra makuha ang asam na tagumpay.

May P9,000.00 premyong ibibigay para sa papa­ngalawa at P5,000.00 at P2,000.00 para sa papangatlo at papang-apat sa datingan, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

BORBE JR.

DREAM OF ALL

GUCE

METRO MANILA TURF CLUB INC

METRO TURF CLUB

P DILEMA

PHILIPPINE RACING COMMISSION

REYES STAKES RACE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with