Mixers vs Bolts para sa huling semis seat ang mananalo ang lalabanan ng Alaska Aces
LARO NGAYON
(Smart Araneta Coliseum)
6:45 p.m. San Mig
vs Meralco
MANILA, Philippines - Isang lugar na lamang ang hinihintay sa Final Four ng PBA Commissioner’s Cup at iyan ang paglalaban ng Meralco at defending champion San Mig Coffee sa kanilang ‘do-or-die’ game ngayon sa Smart Araneta ColiseÂum.
Nakatakda ang Game 3 ng best-of-three quarterÂfinals series ng Bolts at MiÂÂxers sa ganap na alas-6:45 ng gabi.
Ang mananalo sa ‘sudden-death’ match na ito ang maglalaro sa best-of-five seÂmifinals seÂries laban sa No. 1 seed at eliÂmination round topnotÂcher na Alaska simula sa SaÂbado sa Big Dome.
Sa Biyernes nakatakda ang Game 1 ng best-of-five semifinals wars ng Barangay Ginebra at Philippine Cup champion Talk ‘N Text.
Tinalo ng Gin Kings ang No. 2 seed na Rain or Shine sa kanilang quarterfinals series, 2-0, na tila napanood ni San Mig Coffee coach Tim Cone.
Butas ng karayom ang dinaanan ng Ginebra para marating ang semis, bagay na inaasahang pagdadaanan din ni Cone at ng kanyang Mixers.
“Nothing comes easy in the playoffs as evidenced by the Ginebra-Rain or Shine game. That’s the way we expect our game to play out – a tough, down-to-the-wire battle that can go to either team,†pahayag ni Cone.
“But we like our chanÂces and we’ll go for it. We’ll just need to play a very focused game,†dagdag pa nito.
Binuhay ng San Mig CofÂfee ang sarili para dalhin sa Game 3 ang kaÂnilang serye matapos magÂwagi, 100-92, sa Game 2 noong Linggo.
Nanalo ang Meralco sa Game 1 mula sa kaÂnilang 88-85 tagumpay noÂong Biyernes.
- Latest