^

PM Sports

Texters sa semis; Mixers humirit

Fidel Mangonon III - Pang-masa

MANILA, Philippines - Winalis ng Talk ‘N Text ang Petron Blaze sa kanilang best-of-three quarterfinals series sa pa­mamagitan ng 96-86 panalo kagabi sa Game 2 ng kanilang serye sa PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Nagwagi rin sa Game 1, 100-93, noong Biyer­nes, aabante ang Tropang Texters sa best-of-five se­mifinals series laban sa ma­na­na­lo sa ‘do-or-die’ game ng Rain or Shine at Barangay Ginebra nga­yon sa parehong venue.

Nagwagi ang Kings, 90-83, sa may ‘twice-to-beat’ advantage na Elasto Painters noong Sabado kung kaya’t nagkaroon ng ‘sudden-death’ game ang dalawang koponan na nakatakda sa alas-6:45 ng ga­bi.

Sa ikalawang laro, iti­nabla naman ng nagde­depensang San Mig Coffee ang kanilang serye ng Meralco sa 1-1 matapos sikwatin ang 100-92 tagumpay sa Game Two.  

Isang come-from-be­hind win ang naitala ng Tro­pang Texters na nabaon ng umabot sa walong puntos sa pangalawang yugto at nakabuntot pa rin sa 77-79 sa Boosters may 9:08 minuto ang natitira sa laro.

Pero anim na sunod na free throws ni Jerome Jordan ang nagpasiklab ng isang 19-7 na pagtatapos ng Talk ‘N Text na nagkaroon ng limang players na umiskor ng double figures sa pangunguna ng 17 ni Ranidel de Ocampo.

Ang 23 puntos naman ni Marcio Lassiter ang nag­bida para sa Petron Blaze na muling nasibak at hindi nakapasok sa Final 4 sa pangatlong sunod na conference.

Sa pagbibida nina De Ocampo, Ryan Reyes at Jared Dillinger ay maganda ang simula ng Talk ‘N Text na lumamang sa 18-13 matapos ang unang anim na minuto ng laro.

Pero biglang uminit sina Lassiter at June Mar Fajardo kung kaya’t inagaw ng Petron Blaze ang ka­lamangan bago natapos ang unang yugto bitbit ang 29-24 abante.

Sa second period ay hu­mataw pa ng husto sina Lassiter at Fajardo at lumamang ng umabot sa wa­long puntos dalawang be­­ses ang Boosters 39-31 at 46-38 bago sinubukang bu­hatin ni Castro ang Tropang Texters sa kanyang mga balikat at naibaba sa 56-52 ang kalamangan ng Petron Blaze sa halftime.

Talk ‘N Text 96 - De Ocampo 17, Castro16, Re­yes 14, Alapag 12, Jordan 11, Dillinger 8, Al-Hussaini 7, Peek 7, Fonacier 4, Aban 0, Ferriols 0, Carey 0.

Petron 86 - Lassiter 23, Sims 17, Fajardo 15, Santos 15, Miranda 10, Cabagnot 4, Washington 2, Lutz 0, Tubid 0, Peña.

Quarterscores: 28-32; 52-56; 73-74; 96-86.

vuukle comment

BARANGAY GINEBRA

DE OCAMPO

ELASTO PAINTERS

FAJARDO

LASSITER

N TEXT

PETRON BLAZE

SHY

TROPANG TEXTERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with