Fareñas nag-eensayo sa Wild Card
MANILA, Philippines - Nasa maigting nang pag-eensayo si Michael ‘The Hammer Fist’ Fareñas bilang paghahanda sa kanÂyang laban kay Hardy PaÂredez ng Chile sa Abril 27 sa Erwin Center, Austin, Texas.
Nanggaling si Fareñas sa isang unanimous decision loss kay world feaÂtherÂweight champion Yuriorkis Gamboa ng Cuba noÂong Disyembre.
Dumating ang 28-anÂyos na si Fareñas sa UniÂted States noong nakaÂraang linggo kasama si boÂxing manager Gerry Peñalosa.
Kaagad nagsanay si FaÂreñas sa Wild Card Gym ni chief trainer Freddie Roach.
“Maganda and ensayo ko dito, tinutulungan ako ni coach Freddie at ni MarÂvin,†sabi ni Fareñas sa panayam ng PhilboÂxing.com.
- Latest