^

PM Sports

Naapektuhan si Donaire sa pagbabawas ng timbang

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang isang bagay na sinasabing naka-epekto sa pagkatalo ni Nonito Donaire, Jr. ay ang nahirapan siyang makaabot sa super bantamweight limit na 122 pounds. 

“It’s gotten harder to bring down his weight to 122,” wika ng source.  “His muscles are getting bigger, his body is maturing.  It could be time to move up to 126 pounds.” 

Tumimbang si Donaire ng 121.6 pounds bago ang laban kay Guillermo Rigondeaux at bumigat sa 129 pounds nang umakyat sa boxing ring. 

Ang pagbabawas ng timbang ang maaaring nagpahina kay Donaire sa kanyang pagsagupa kay Rigondeaux.

“Nonito had four fights last year and probably needed more time to rest,” sabi ng source.  “I think he pushed himself too far.  Then, he kept his shoulder injury a secret.” 

Ginimbal din ang training camp ni Donaire sa biglaang pag-alis nina conditioning coaches Victor Conte at Remi Korchemny na tumulong sa kanya sa huling walong laban.

Si Conte ang nagbibigay kay Donaire ng hypoxic training support at nutritional supplements habang si Korchemny, isang Ukrainian sprint coach, ang nagpaplano ng kanyang workout regimen.

Magbabakasyon si Donaire at hihintayin ang pagsilang ng kanyang anak na lalaki na papangalanang Jarel sa Hulyo 21. 

Habang nasa boxing leave, inaasahang sasailalim siya sa surgery para ayusin ang napunit na litid sa kanyang kanang balikat na kanyang ininda sa huli niyang tatlong laban, kabilang na ang pagkatalo kay Guil-lermo Rigondeaux sa New York City.

Umalis si Donaire kasama ang kanyang asawang si Rachel at biyenan na si Becky Marcial noong umaga at dumating sa Las Vegas noong Linggo ng hapon kung saan sila naninirahan ngayon.

Wala nang dahilan para dalhin pa si Donaire sa ospital makaraan ang kanyang unanimous decision loss kay Rigondeaux. 

Nagkaroon siya ng mga putok sa mukha at nangi-ngitim na kanang mata mula sa left straight ng Cuban sa kaagahan ng 12th round.

Sinabi ng isang source na si Donaire ang magdedesisyon kung kailan siya magpapaopera.

vuukle comment

BECKY MARCIAL

DONAIRE

GUILLERMO RIGONDEAUX

KANYANG

LAS VEGAS

NEW YORK CITY

NONITO DONAIRE

RIGONDEAUX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with