Balbonic, Alta's Finest wagi sa 2 Stakes
MANILA, Philippines - Nagsipagpanalo ang mga dehadong kabayo na Balbonic at Alta’s Finest sa dalawang Dr. A.P. Reyes Stakes Races kahapon sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Ang mga karerang ito na parehong inilagay sa 1,600-metro distansya ay bukas para sa mga edad na tatlong taong gulang na mga kabayo at nagsilbing huling stakes races bago simulan ang 2013 Philracom Triple Crown Championships sa susunod na buwan.
Ang Balbonic ay sakay ni Val Dilema at malayong third choice sa mga fillies ngunit naipakita ang bangis nang hiyain ang paboritong Cat’s Silver ni Jonathan Hernandez.
Unang umalagwa ang Cat’s Silver na pag-aaari ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos habang nasa ikaapat na puwesto ang Balbonic.
Kumilos ang Balbonic at dumikit sa Cat’s Silver pagpasok sa rekta bago tumodo para makapagtala ng halos dalawang dipang layo sa pinaborang katunggali.
May lahing Deputy Bodman sa Lamborghini, ang tatlong taong Balbo-nic ay naorasan ng 1:43.8 sa kuwartos na 24’, 25, 26 at 28 para kunin din ang unang gantimpala na P300,000.00 mula sa P500,000.00 na inilaan ng Philippine Racing Commission (Philracom).
Pumangatlo sa dati-ngan ang Mrs. Teapot bago sunod na tumawid ang Five Star.
Magandang P38.50 ang ibinigay ng win ng Balbonic habang P171.50 ang pinasok ng 6-2 forecast.
Sunod na nangiba-baw ang Alta’s Finest na ginabayan ni Rodeo Fernandez sa karera para sa mga colts.
Pangalawa agad ang Alta’s Finest sa bumandera at paboritong Be Humble na hawak ni Jeff Zarate pero noong palabasin ni Fernandez ang tulin ng sakay na kabayo pagpasok sa huling liko ay tuluyang naiwanan ang double-stakes race winner na Be Humble.
Binawi ng Alta’s Fi-nest ang pang-11 puwes-tong pagtatapos sa Chairman’s Cup noong Marso at naorasan ito ng 1:42.6 sa kuwartos na 24’, 24’, 25’ at 28.
- Latest