Local Riders pumuporma na sa Le Tour Aussie sa Stage 2
CAUAYAN, ISABELA , Philippines -- Matapos bayuhin ng malakas na buhos ng ulan sa Stage One, sinuong naman ng 74 siklista ang tirik na tirik na araw sa Stage Two kung saan isang Australian rider ang nanguna sa pagpapatuloy ng ikaapat na edisyon ng Le Tour de Filipinas dito kahapon.
Hindi alintana ang init, naglista si Luke Parker ng City of Perth Cycling Team ng tiyempong limang oras, pitong minuto at 54 segundo ngunit nanatili ang yellow jersey kay Stage One winner Lee Ki Suk ng CCN Cycling Team -Korea.
“Very good race. Very long, very hot,†sambit ng 20-anyos na si Perry na may parehong oras sa siyam pang siklista kasama ang mga Pinoy riders na sina Jan Paul Morales (Philippine Marine Standard Insurance), Jerry Aquino, Jr. (7-Eleven Roadbike Philippines), Edmundo Nicolas, Jr. (American Vinyl Philippines) at Rustom Lim (LBC-MVPSF). “My team really took care of me. They made sure I was in a good position in the bunch.â€
Inangkin naman ng 7-Eleven Roadbike ang team overall sa kanilang bilis na 29:32:15 kasunod ang Philippine Marine Standard Insurance (29:35:04) at Philippine Navy Standard Insurance (29:35:16).
Ang iba pang nasa Top 10 ay sina Lee (CNN), Jones Caleb (CCN), Nur Amirull Fakhruddin Mazuki at Mohammad Saufi Mat Senan (Terengganu) at Mehdi Sohrabi (Tabriz Petrochemical Team).
Sinabi ni Morales na may epekto sa mga foreign cyclists ang matinding sikat ng araw sa Stage Two.
“Advantage sa kanila ‘yung ulan sa Stage One kaya walang Filipino na nakapasok sa Top 10. Nga-yon kasi init na init sila eh. Nanghihingi na nga sa amin ng malamig na tubig,†ani Morales.
Bagama’t hindi napasama sa Top 10, kumpiyansa pa rin ang nagdedepensang individual champion na si Jonipher ‘Baler’ Ravina ng 7-Eleven Roadbike na mapapanatili niyang suot ang kanyang korona sa susunod na dalawang yugto ng nasabing International Cycling Union (UCI) Asia Tour race.
- Latest