Express humabol sa quarters
MANILA, Philippines - Kinumpleto ng Air21 ang 8-team quarterfinal cast ng PBA Commissioner’s Cup nang talunin nito sa overtime ang Petron Blaze 95-91 kagabi sa SM MOA Arena.
Sa pangunguna ng 37 puntos ni KG Canaleta, karaÂmihan mula sa isang franchise record na siyam na three-pointers, ay nakabalik mula sa pagkabaon ng umabot sa 17 puntos sa second quarter ang Express para tapusin ang kanilang kampanya sa eliminations na may 6-8 na panalo-talo karta at sapat para sa pangwalo at huling lugar sa playoffs.
Dahil sa panalo rin ng Air21 ay pormal na na-eliÂminate ang Barako Bull (4-9) sa kanilang karera para sa huling biyahe sa playoffs at dahil din sa pagbaba ng Boosters sa 7-6 na karta ay pormal na napunta sa Rain or Shine (9-4) ang No. 2 seed at pangalawa at huling twice-to-beat advantage sa quarterfinals.
Bukod sa Rain or Shine at Petron Blaze, makakasama rin ng Express sa quarterfinals na magsisimula sa Feb. 19 ang Barangay Ginebra, San Mig Coffee, Meralco, Talk ‘N Text at Alaska, na siyang nagma-may-ari ng No. 1 seed at ng isa pang twice-to-beat advantage sa quarterfinals.
Samantala, matapos makasiguro ng puwesto sa playoffs, hangad ng Barangay Ginebra at Talk ‘N Text na makaiwas sa pang-pito o pang-walong puwesto pagkatapos ng eliminations sa kanilang rematch sa PBA Commissioner’s Cup ngayon sa SM Mall of Asia Arena.
Magsasalpukan sa alas-6:30 ng gabi ang Kings at Tropang Texters habang sa alas-4:15 ng hapon naman ang pamamaalam sa conference ng eliminated nang Globalport kontra sa Barako Bull.
AIR 21 95 - Canaleta 37, Dunigan 18, Custodio 14, Arboleda 10, Baclao 6, Isip 4, Omolon 4, Atkins 2, Sena 0, Wilson 0, Menor 0, Ritualo 0.
PETRON 91 - Sims 30, Lassiter 23, Washington 15, Fajardo 5, Miranda 5, Lutz 4, Cabagnot 3, Lanete 2, Santos 2, Pena 2, Tubid 0.
Quarterscores: 16-29, 44-54, 72-74, 87-87, 95-91
- Latest