^

PM Sports

Mixers asam naman ang quarterfinals seat winning streak itataya ng Kings

Fidel Mangonon III - Pang-masa

MANILA, Philippines - Huling nanalo ng pitong sunod na laro ang Ba­rangay Ginebra noong 2008 PBA Fiesta Confe­rence.

Ito na rin ang huli ni­lang conference na nag­wa­gi ng kampeonato, ba­gay na nagbibigay pag-asa sa kanilang mil­yung-milyong tagahanga na baka may magandang kapalarang naghihintay sa kanila sa kasaluku­yang 2013 PBA Commissioner’s Cup kung saan nakakaanim na sunod na panalo na ang Kings.

Pero ang nakaabang sa Barangay Ginebra nga­yon ay ang bumabande­rang Alaska na hangad ang isang pormal na ‘twice-to-beat’ ad­vantage sa quarterfinals sa ka­nilang pang-alas-7:30 ng ga­bing paghaharap sa Smart Araneta Coliseum.

Parehong sigurado na sa quarterfinals ang Aces at Kings sa kanilang 9-3 at 7-5 na panalo-talo karta, ayon sa pagkakasunod at ‘twice-to- beat’ advantage naman sa first round ng playoffs ang kanilang am­bisyon.

Sa alas-5:15 ng hapon ang laban ng San Mig Cof­fee (6-6) at Air21 (5-7) kung saan hangad naman ng Mixers ang isang pormal na lugar sa quarterfinals at nais naman ng Express na mapalapit dito sabay magkaroon ng isa’t kalahating laro na kala­mangan sa Barako Bull (4-8) sa kanilang pumu­por­mang huling laban pa­ra sa pang-walo at hu­ling lu­gar sa eliminations.

Nasa homestretch na ang elims ng second conference ng liga kung saan 10 sampung laro na lamang ang natitira pa­ra malaman kung alin ang walong koponang aa­bante sa quarterfinals at aling dalawa ang maagang magbabakasyon.

Katulad ng Alaska at Barangay Ginebra, si­gurado na ring pasok sa quarterfinals ang Rain or Shine (8-4) at Petron Blaze (7-5).

Bagama’t nasa pi­na­kamahabang winning streak ng kahit anong ko­ponan ngayong confe­rence – naitala ng Kings ba­gama’t may injuries sina Mark Caguioa, Kerby Raymundo at Rico Maierhofer – walang ibang iniisip si Kings’ head coach Alfrancis Chua kundi ang susunod nilang laban kontra Alaska.

“Hindi ko na iniisip na pagkatapos nito may ilang games pa kami. Ina­alis ko yung schedule sa amin eh. Basta focus lang kami sa next game. Kung mananalo kami sa last two games namin, bakit hindi pero basta ‘yung next game lang namin ang iniisip namin,” ani Chua matapos ang Alaska ay Talk ‘N Text sa linggo ang magiging laro.

Basta ngayon ay masa­ya si Chua sa naki­kita niya sa kanyang mga pla­yers at umaasang mag­­­­tutuluy-tuloy ang ka­ni­­lang magandang ipina­pa­­kita.

“They’re really working as a family now. They’re not working as teammates anymore. La­hat nagtutulungan talaga. Iba talaga ang nilalaro ng mga bata,” wika ni Chua, na ha­ngad ang unang kampeonato sa PBA mula nang unang maging head coach sa liga noong 1999 para sa koponan ng Tanduay Gold Rhum.

ALFRANCIS CHUA

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

CHUA

FIESTA CONFE

KERBY RAYMUNDO

MARK CAGUIOA

N TEXT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with