Winner-take-all napanalunan
MANILA, Philippines - Umulan ng milyones sa dalawang karerahan noÂÂong Biyernes at Sabado nang mahagip muli ang WinÂner-Take-All na piÂnagÂÂlabanan.
Sa bagong racing club na Metro Turf Club sa MalÂvar, Batangas nagtagiÂsan ang mga mahuhusay na kabayo noong Sabado at hindi lamang isa kungdi daÂlawang masuwerteng maÂnanaya ang pinalad na maÂging mga kauna-unaÂhang milyonaryo sa WTA sa nasabing pista.
Nagpahirap sa karera ang pagkapanalo ng mga deÂhadong Hey Jude at Sure Class sa races four at five.
Pinakadehadong nanalo sa gabi ang Hey Jude na naghatid ng P99.00 sa win at ang tinalo ay ang South Pearl para sa P1,398,00 diÂbidendo sa 11-4 forecast.
Ang Sure Class na naÂnaÂig sa mas pinaborang ViÂna Anika ay nagpamaÂhaÂgi ng P74.00 sa win at P66.00 sa 5-4 forecast.
Pero sa kinalabasan sa dalawang Winner-Take-All, sinuwerte ang dalawang dehadista na nakuha ang tamang kumbinasyon upang masolo ang dibiÂdenÂdo sa una at ikalawang WTA.
Umabot ang premyo sa P1,784,579.20 ang dibiÂdendo sa 1st WTA na biÂnuo ng kumÂbinasyong 5-4-5-11-5-5-2, habang may P1,105,613.20 premÂyo ang napanalunan ng maÂnanayang nakuha ang taÂmang ruta na 5-5-2-5-6-3-11.
Ang dalawang sinuÂwerÂteng mananaya ang nag-akyat sa apat na kaÂrerista na naging milyonaryo sa pagtangkilik sa kaÂrera sa huling tatlong araw.
Noong Biyernes, sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite ay naiÂuwi ng isang karerisÂta ang P1,168,085.00 dibidendo sa 2nd WTA na biÂnuo ng mga numerong 8-7-4-2-5-11-9.
Ang unang WTA ay naÂuwi naman sa carry-over na P1,374,184.93 sa kumÂbinasyong 13-6-8-7-4-2-5.
Napasimulan ang paÂmamahagi ng milyong piÂso dibidendo sa horse raÂcing noong Huwebes ng gabi nang suwertehin ang isang tumatangkiÂlik na naibulsa ang P4,510,824.60 dibidendo matapos tamaan ang WTA na 5-3-8-4-9-4-7.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na apat na kaÂrerista ang tumama ng milÂyones sa WTA.
- Latest