^

PM Sports

Melindo gustong kunin ang titulo ni Estrada

RCadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - May pagkakataon si Filipino contender Milan ‘El Metodico’ Melindo na hamunin ang bagong WBO at WBA flyweight champion na si Juan Francisco Estrada ng Mexico.

Matapos ang kanyang split decision win laban kay Brian Viloria, sinasabing idedepensa ni Estrada ang kanyang mga suot na titulo kontra kay Melindo.

Ayon sa 25-anyos na si Melindo (28-0-0, 12 KO’s), kakayanin niya ang suntok ng 22-anyos na si Estrada (23-2-0, 18 KO’s) kung sila ay mag­ka­katapat sa ibabaw ng bo­­xing ring.

Isang split decision win ang kinuha ni Estrada kontra sa 32-anyos na si Viloria noong Sabado ng gabi sa Macau.

Pinabagsak naman ni Melindo, ang WBO mandatory flyweight challenger, si Tommy Seran ng Indonesia sa 2:38  ng fourth round sa kanilang non-title fight sa undercard nina Viloria at Estra­da.

Payag naman si Estrada na itaya ang kanyang mga korona kontra kay Me­lindo.

AYON

BRIAN VILORIA

EL METODICO

ESTRA

ISANG

JUAN FRANCISCO ESTRADA

MELINDO

TOMMY SERAN

VILORIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with