Nagpalakas ang mga teams sa Shakey’s V-League
MANILA, Philippines - Halos lahat sa 10 teams na maglalaban-laban sa Shakey’s V-League ngayon ang kumuha ng mahuhusay na reinforcements para siguraduhing magi-ging maganda ang kanilang kampanya sa pagbubukas ng liga sa Linggo sa The Arena sa San Juan.
Palalakasin nina Aeriel Patnogon at Rachel AnnDaquis ang intact na line-up ng Ateneo na naghahabol ng record na tatlong sunod na championship sa season-ending conference ng liga sa pagdaraos ng ika-10-season.
Makakasama nina Patnogon, dating lumaro sa Lady Eagles at Daquis, pambato ng FEU Lady Tams sina Alyssa Valdez, Fille Cainglet, Gretchen Ho, Dzi Gervacio at setter Jem Ferrer sa pagdedepensa ng titulo na kanilang napanalunan kontra sa UST noong nakaraang taon.
Ang Tigresses na may-ari ng pinakamaraming titulo sa liga sa kanilang nakopong anim na championship ay palalakasin naman nina Aiza Maizo at Rhea Dimaculangan na kukumplimento kina Maru Banatic-la, Judy Ann Caballejo, Mika Ortiz at ang mga sumi-sikat na sina Pamela Lastimosa, Ma. Loren Lantin at Ma. Carmela Tunay.
Muli namang kinuha ng two-time champion San Sebastian sina Thai import Jeng Bualee at two-time MVP Suzanne Roces para makatulong nina Czarina Berbano, Jennelyn Belen, Mae Crisostomo, Ara Mallare at Gretchel Saltones.
Kinuha naman ng Arellano University, isa sa dalawang bagitong koponan sa ligang suportado ng Shakey’s Pizza katulong ang Mikasa at Accel, ang dalawang ace pioneers ng liga na sina dating MVP Mary Jean Balse at Nerissa Bautista para maging title contender agad ang koponan.
Hindi rin nagpahuli ang reining NCAA champion na Perpetual Help na kumuha kina Joy Cases at Mei Agarin na tutulong kina Sandra delos Santos na MVP noong nakaraang taon, Norie Diaz, April Sartin at Honey Rose Tubino.
Inaasahang palaban din ang University of San Carlos-Cebu matapos kunin sina Abigail Praca at Regine Obinque.
- Latest

















