Ginebra susulong
MANILA, Philippines - Itataya ng Barangay Ginebra ang kanilang four-game winning, ang kasalukuyang pinakamahabang win streak ngayon sa PBA, sa pakikipagharap sa Air21 sa pagbabalik aksiyon ng Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.
Umaasa ang Kings na magtutuluy-tuloy ang kanilang streak para makalapit sa quarterfinals kung saan anim na slots na lamang ang natitira sa kanilang alas-5:00 ng gabing laban kontra sa Express na bumaba sa standings dahil sa kanilang 5-6 karta.
Naputol ang 4-game win streak ng Air21 noong Linggo matapos ang 94-83 pagkatalo sa Rain or Shine, bagay na ayaw mangyari ng Ginebra na ang huling panalo ay kontra sa Barako Bull, 96-89 noong March 24 para umakyat sa 5-5 record katabla ang Meralco at Talk ‘N Text para sa pang-apat hanggang pang-anim na puwesto sa standings. Nais din ng Kings na ipaghiganti ang kanilang 74-70 pagkatalo sa Express sa kanilang unang paghaharap noong Feb. 10, ang debut game sa conference ng parehong koponan.
Sa alas-7:30 ng gabing ikalawang laro ang pa-ngalawang salpukan ng Talk ‘N Text at defending champion San Mig Coffee ngayong conference kung saan hangad ng parehong koponan na umahon mula sa lower half ng standings.
Hindi nagkakalayo ang Tropang Texters at Mixers sa kanilang 5-5 at 5-6 records ayon sa pagkakasunod.
Nagwagi ang San Mig Coffee, 90-82 sa TNT noong Feb. 24 sa kanilang unang paghaharap nga-yong conference ng dalawang koponang naglaban para sa kampeonato ng conference na ito noong nakaraang season na napanalunan ng una sa pitong laro.
“We’re at that point where it is put up or shut up. We can’t let this conference slip any farther away from us. For us the talking ends, we gotta start doing,†pahayag ni Cone sa isang text message sa media.
Inaasahang hindi maglalaro para sa Talk ‘N Text si Kelly Williams na magpapahinga dahil sa kanyang da-ting sakit sa dugo, o pagbaba ng platelet count.
Samantala, darating ngayong umaga si dating New Orleans Hornet Henry Sims, ang magiging pangatlong import ng Petron Blaze kapalit ni Rodney White.
- Latest