Don Joaquin nakapaghabol pa ng panalo sa buwan ng Marso nang manaig sa 3YO Handicap Race
MANILA, Philippines - Nakahabol pa ng panalo sa buwan ng Marso ang Don Joaquin matapos masama sa mga nanalo noong LingÂgo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.
Si JPA Guce ang pinagdiskarte sa kabayong sinaÂsakyan ni GM Mejico at pinawi ng bagong hinete ang kabiguang inabot noong Marso 16 nang manalo sa 3YO Handicap Race (2) na ginawa sa 1,400-metrong disÂtansya.
Mahusay na inilabas ni Guce ang Don Joaquin papasok sa huling kurbada bago bumulusok pa sa pagtungtong ng rekta patungo sa dalawang dipang panalo sa napaboran ding Pasaporte ni MA Alvarez.
Ito ang ikatlong takbo ng kabayong may lahi na Quaker Ridge at Slatkis at nakabangon na ang Don JoaÂquin mula sa di magandang pang-anim na puwesÂtong pagtatapos sa unang salang noong Marso 7.
Nakatikim din ng panalo ang Patron nang dominaÂhin ang class division 9-10, habang ang Gold More ay nakapanilat sa race seven na isang 3YO Handicap Race (01).
Si Antonio Alcasid Jr. ang hinete ng Patron na biÂnigo ang unang takbo sa taon ng Pleasantly Perfect na hawak ni Dominador Borbe Jr.
Ang apat na taong kabayo na Patron na noong naÂkaraang taon ay binigyan ng magandang laban ang TriÂple Crown champion na Hagdang Bato, ay tuÂmuÂgon ng mahusay sa diskarte ni Alcasid at ipinakitang handa itong makapagdomina sa mga malalaking kaÂreÂra na maaari nitong salihan sa mga darating na buÂwan.
Ikatlong takbo rin ng Gold More ang sinalihang kaÂrera at nakuha ni Pilapil ang mahalagang panalo na nagpasigla sa mga dehadista.
Nagpamahagi ang di inakalang kumbinasyon na 1-10 ng P2,593.00 dibidendo sa forecast.
- Latest