^

PM Sports

High Voltage wagi sa Asistio Stakes Race

ATan - Pang-masa

MANILA, Philippines - Punung-puno ng kuryente ang High Voltage para mapagharian ang 2nd Macario B. Asistio, Sr. Stakes Race na siyang tampok na karera kahapon sa San La­za­ro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ginabayan ni jockey Pat Dilema sa ikalawang sunod na pag­kakataon, napangatawanan ng kabayong la­hok ni Hermie Esguerra ang pagiging slight favo­rite kasama ang coupled entry na Raon, nang hindi papor­mahin ang nakatunggaling Jahan sa 1,400-metrong karera patungo sa panalo.

Agad na inilusot ni Dilema ang kabayo sa pagbukas ng aparato at nagdikta ng matuling tiyempo para iwa­nan ng halos apat na dipa ang mga naghahabol.

Sinikap ni Baldonido na pag-initin ang Jahan at tila nagawa niya ito nang agawin ang ikalawang puwesto sa Well Well Well pero hindi nagbago ang tikas ng na­sa unahang High Voltage para manatili ang tatlong dipang agwat na kalamangan hanggang sa meta.

May 1:29 winning time ang High Voltage sa kuwartos na 12’, 25, 25, 27’ para halos pantayan ang 1:25 tiyempo na ginawa sa kaparehong distansya noong Peb­­­rero 24 sa Metro Turf Club.

Huling nanalo ang nasabing kabayo noon pang Peb­rero 1 sa race track na pag-aari ng Manila Jockey Club Inc., ang tagumpay ay nagresulta para angkinin ang P180,000.00 gantimpala.

Ang Jahan, pumangatlo sa Lakambini Stakes Race noong nakaraang taon, ay tumapos sa ikalawang se­gundo puwesto matapos ang huling karera noong Marso 19.

Dahil dikit ang bentahan, pumalo pa sa P9.50 ang ibi­nigay sa win ng High Voltage, habang ang liyamadong 4-5 forecast ay nagpamahagi pa ng P19.00 dibi­dendo.

vuukle comment

ANG JAHAN

HERMIE ESGUERRA

HIGH VOLTAGE

JAHAN

LAKAMBINI STAKES RACE

LEISURE PARK

MACARIO B

MANILA JOCKEY CLUB INC

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with