^

PM Sports

Viloria itutuloy ang pagsasanay sa Macau

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines - Labing isang araw pa bago ang kanyang pagta­tanggol sa korona kontra kay Mexican challenger Juan ‘El Gallo’ Estrada ay dumating na sa Macau, Chi­na si unified world flyweight champion Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria.

Kasama ni Viloria sa naturang biyahe mula sa Los Angeles, California ang kanyang asawang si Erica, si Filipino trainer na si Marvin Somodio at si Mexican trainer Ruben Gomez.

Sinabi ni Viloria na ipagpapatuloy niya ang kanyang paghahanda para sa kanilang upakan ni Estrada sa Abril 6 sa Venetian Macao Resort Hotel.

“Made it to Hong Kong,” sabi ni Viloria sa kanyang Twitter account kahapon.

Idedepensa ng 32-anyos na si Viloria ang kanyang mga bitbit na World Boxing Organization at World Bo­xing Association flyweight belts kontra sa 22-an­yos na si Estrada.

Kasalukuyang tangan ni Viloria ang kanyang 32-3-0 win-loss-draw ring record kasama ang 19 KOs, habang hawak ni Estrada ang kanyang 22-2-0 (17 KOs) card.

Sa kanyang pag-eensayo sa Wild Card Boxing Club sa Los Angeles, nakasabayan niya si  two-time Olympic Gold medalist Zou Shiming ng China.

Ang 31-anyos na si Shiming ay nasa ilalim ni trai­ner Freddie Roach.

Makakatapat ng three-time gold medal winner ng World Amateur Boxing Championships na si Shi­ming para sa kanyang professional debut si Mexican Eleazar Valenzuela (2-1-2, 1 KO) sa isang non-title, four-round flyweight bout.

EL GALLO

FREDDIE ROACH

HAWAIIAN PUNCH

HONG KONG

KANYANG

LOS ANGELES

MARVIN SOMODIO

MEXICAN ELEAZAR VALENZUELA

VILORIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with