Fine Bluff mangunguna sa labanan
MANILA, Philippines - Pagsisikapan ng kabayong Fine Bluff na mapaigÂting ang pagpapanalo sa pagtakbo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite sa Sabado.
Pahinga ang aksyon sa hanay ng mga mahuhusay na kabayo ngayon at bukas bilang paggunita ng HuÂweÂbes Santo at Biyernes Santo, pero balik ang regular na programa sa Sabado na kung saan may 11 karera ang nakahanay sa maghapon.
Tatlong 3YO Handicap races ang mapapanood at sa unang karera ay may siyam ang maglalaban-laban paÂra dominahin ang 1,200m karera.
Mangunguna sa kasali ay ang Fine Bluff na hawak ni Dan Camañero at balak na palawigin ang dalawang sunod na pagpapanalo na naitala noong Marso 15 at 19 sa nasabing race track.
Mapapalaban ito sa coupled entries na Honour Class at Flying Honor at ang huli ay manggagaling muÂla sa segundo puwestong pagtatapos noong Marso 13.
Inaasahang palaban din ang Mighty Seuz at NiaÂgara Boogie na may pruweba sa distansya na 1:17 at 1:18.
Sa race 4 ang ikalawang 3YO Handicap race at 11 ang magsusukatan at ipinalalagay na magbabanggaan sa karera ang Connor Topnotcher ni JB Bacaycay at SioÂpaokinghaha.
Mula sa panalo ang Connor Topnotcher ay may pruÂweba na 1:18 sa paglalabanang distansya na siya ring pinakamagandang tiyempo ng Siopaokinghaha na gagabayan ni Rodero Fernandez.
- Latest