^

PM Sports

Sharpshooter nakasapul ng panalo sa Santa Ana

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nailista ng kabayong Sharpshooter  ang unang panalo matapos kakitaan ng ibayong tulin sa nilahukang karera noong Huwebes ng gabi sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Si Rodeo Fernandez ang sakay na hinete ng kabayo na noong Marso 13 ay sumabak sa novato race at pu­mangalawa sa datingan sa pagdadala naman ni jockey RC Tanagon.

Sinabayan kaagad ng Sharpshooter ang maagang pag-alagwa ng Jenny’s Cat ni Jessie Guce bago nilam­pasan ang huli pagpasok sa huling kurbada.

Mula rito ay iniwan na ng Sharpshooter ang kalaban para sa halos limang dipang panalo.

Nakaremate rin ang Lebron para  makuha ang ikala­wang puwesto, habang ang Jenny’s Cat ay tumapos lamang sa ikalimang puwesto.

Patok ang Sharpshooter at naghatid ng P8.00 sa win, habang P50.00 ang ibinigay sa 8-9 forecast.

Ang pinakapatok na kabayo na nanalo sa gabi sa bakuran ng Philippine Racing Club Inc., ay Ang Ating Galing na tumakbo sa Handicap 3 race.

Kondisyon ang kabayong sakay ni JV Ponce patu­ngo sa banderang tapos na panalo sa 1,300-metrong dis­tansya.

May mga dehadong ka­bayo na nakalusot din at tampok na kabayo na di pi­naboran ay ang Tough Guy na nangibabaw sa class division 2  karera sa 1,300m distansya.

Naipakita ang tikas ng Tough Guy nang hindi ma­ubos sa datingan para ma­higitan ang pang-apat na puwestong pagtatapos na naitala noong Marso 12 sa pagdala ng regular na hineteng si RR Cama­ñero.

Si KS Bergancia ang hi­nete ngayon ng kabayo at nalagay muna ang Tough Guy sa ikapitong pu­westo sa 10 naglaban.

Sa back stretch ay ini­labas ng hinete ang Tough Guy at mula rito ay hi­na­taw ng hinataw ang ka­bayo tungo sa panalo.

Nagpamahagi ng P136.50 dibidendo sa win ang di inaasahang panalo, ha­bang ang pagpangalawa ng Touch Of Gold ni Esteban de Vera ay naghatid ng P579.00 dibidendo sa 4-6 forecast.

 

vuukle comment

ANG ATING GALING

JESSIE GUCE

MARSO

PHILIPPINE RACING CLUB INC

SANTA ANA PARK

SHY

SI RODEO FERNANDEZ

TOUCH OF GOLD

TOUGH GUY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with