Pacquiao, Marquez magkikita sa Macau
MANILA, Philippines - Pipilitin ni Bob Arum ng Top Rank Promotions na maplantsa sa Macau ang pang-limang banggaan nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez na kanyang itatakda sa Setyembre sa Singapore.
Ayon kay Arum, magkikita sina Pacquiao at Marquez sa Macau para panoorin ang pro debut ni Chinese two-time Olympic Games gold medal winner Zou Shiming laban kay Eleazar Valenzuela (2-1-2, 1 KO) ng Mexico sa isang four-round flyweight bout sa Abril 6 sa Cotai Arena sa Venetian.
“To solidify a Pacquiao-Marquez fight in Macau would be the plan,†sabi ng 81-anyos na promoter sa kanyang plano sa pagkikita nina Pacquiao at Marquez.
Pinatumba ni Marquez si Pacquiao sa huling segundo ng sixth round sa kanilang ikaapat na paghaharap noong Disyembre 8, 2012 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Hindi nakapanood si Marquez sa pagdedepensa ni world welterweight king Timothy Bradley, Jr. (30-0-0, 12 KOs) noong Linggo kung saan binigo ng American si Russian challenger Ruslan Provodnikov (22-2-0, 15 KOs) via unanimous decision sa Home Depot Center sa Carson, California.
Sinabi ni Arum na magtutungo si Marquez sa Las Vegas para panoorin ang rematch nina Brandon Rios at Mike Alvarado sa Marso 30.
“Marquez didn’t show at the Bradley-Provodnikov fight but he’s coming on March 30 for the Brandon Rios-Mike Alvarado fight (sa Las Vegas),†wika ng promoter. “And then Marquez and his wife are going with us to Macau.â€
Kung hindi maitatakda ang kanilang pang-limang laban ng Filipino world eight-division champion na si Pacquiao, sinabi ng Mexican world four-division titlist na si Marquez na hahamunin na lamang niya si Bradley para sa hawak nitong World Boxing Organization welterweight belt.
Ang WBO title ang kinuha ni Bradley kay Pacquiao mula sa isang kontrobersyal na split decision victory noong Hunyo 9, 2012.
- Latest