^

PM Sports

Palou handang maging pangulo ng PVF

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Idineklara kahapon ni Ateneo athletic director Ricky Palou at dating treasurer ng Philippine Volleyball Federation (PVF) ang kahandaan na maging pangulo ng asosasyon.

Sa pormal na pagpapakilala kahapon ng 33-kataong pool na siyang magsasanay para makuha ang karapatang maging National team member sa PSC canteen kahapon, inihayag ni Palou ang paniniwalang magiging epektibo siyang pangulo dahil marami ngayon ang gustong tumulong para mapaunlad ang volleyball sa bansa.

Dati nang naupo si Palou bilang treasurer sa PVF sa panahon ng mga pangulong sina Louie Gepuela at Roger Banzuela pero umalis siya sa asosasyon.

“At that time, walang nangyayari noon and I felt I’m wasting my time here. But now, we can see there are a lot of things happening in volleyball and more people willing to work,” pahayag ni Palou.

“But that really depends on the stakeholders. If the stakeholders feel I’m capable, then I will accept it,” dagdag ni Palou na makakatakbo umano sa pampanguluhan dahil ang Shakeys V-League ay stakehoder ng PVF.

Si Gener Dungo ang kasalukuyang pangulo ng PVF pero nanganganib na matapos ang pag-okupa sa puwesto dahil nag-alsa balutan ang dating kasamahan sa board sa pangunguna ni secretary-general Vangie De Jesus bunga ng kawalan ng programa.

Si De Jesus ang na-nguna sa pagpapa-tryout katuwang ni Tats Suzara at kahapon ay ipinakilala ng grupo ang mga manlalaro na binubuo ng pinakamahuhusay na manlalaro sa UAAP at NCAA at mga players galing sa South.

LOUIE GEPUELA

PALOU

PHILIPPINE VOLLEYBALL FEDERATION

RICKY PALOU

ROGER BANZUELA

SHAKEYS V-LEAGUE

SI DE JESUS

SI GENER DUNGO

TATS SUZARA

VANGIE DE JESUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with