Seni Seviyorum ipinanalo ni jockey JB Guerra
MANILA, Philippines - Nakuha ni apprentice jockey JB Guerra ang tamang diskarte sa kabayong Seni Seviyorum para makapaghatid ng magandang dibidendo sa idinaos na pista sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite noong Miyerkules ng gabi.
Walang nakapigil sa tambalan nang tumodo ang kabayo pagpasok sa kalagitnaan ng 1,300m distan-syang karera para solong tumawid sa meta.
Isang Handicap Race (6) ang karerang nilahukan ng walong kabayo ngunit nahulog si RG Fernandez sa kabayong Hualtulco upang pito na lamang ang opis-yal na naglaban.
Dehado ang Seni Seviyorum dahil hindi maganda ang ipinakikita ng kabayo sa ibang hinete na dumiskarte rito pero kay Guerra ito kuminang.
Halos apat na dipa ang layo bago tumawid ang Chanel Ko To na sakay din ng isa pang apprentice jockey na si JV Ponce para magkadehaduhan sa nasabing karera.
Umabot sa P76.50 ang ibinigay na dibidendo sa win ng Seni Seviyorum habang nasa P337.50 ang ibi-nigay sa 2-8 forecast.
Nagkaroon din ng init ang takbo ng kabayong Markees World na hawak ni EP Nahilat habang nagpasiklab din ang Power Over na diniskartehan din ng nasabing hinete.
Patok ang Markees World sa class division 5 na pinaglabanan ng pitong kabayo sa 1,300m distansya.
Kinapos ang paghahabol ng Scout Ranger na dala ni class C jockey CJ Reyes para magkaroon uli ng magandang dibidendo sa forecast na P460.50 sa 1-5 kumbinasyon. Ang win ay mayroong P8.00 dibidendo.
Unang kabayo na nanalo sa sampung karerang pinaglabanan ay ang Power Over sa Shades Of Red.
Ikalawang panalo ito ng kabayo at una sa mas mataas na class division 1 at nadehado pa sa bentahan ang kabayo para makapagpamahagi ng P25.50 sa win habang ang 8-6 forecast ay may P81.50 dibidendo.
- Latest