Casimero determinado laban kay Rios
MANILA, Philippines - Pipilitin ni Filipino world light flyweight cham-pion Johnriel CaÂsimero na matagumpay na maiuwi ang kanyang suot na korona sa paghahamon ni Panamanian challenger Luis ‘Pan Blanco’ Rios.
Sa kanilang press conference kahapon, sinabi ng 23-anyos na tubong Ormoc City, Leyte na gagawin niya ang lahat upang mapanatiling hawak ang kanyang International Boxing Federation belt laban sa 22-anyos na si Rios.
Sasagupain ni Casimero si Rios sa Linggo (Manila time) sa Megapolis Convention Center ng Hard Rock Hotel Panama.
“I feel much respect for Rios, but I came to Panama to win. I will retain my title,†sabi ni Casimero kay Rios na binigyan ng Best National Boxer of the Year Award ng Panama Boxing Commission (COMIBOX).
Ibinabandera ni Casimero ang kanyang 17-2-0 win-loss-draw ring record kaÂsama ang 10 KOs kum-para sa 18-1-1 (13KO’s) slate ni Rios.
Umaasa naman si Rios na magiging maganda ang resulta ng kanyang walang humpay na paghahanda kontra kay Casimero. “I have worked so hard to become a boxing world champion,†wika ni Rios.
Naidepensa ni Casimero ang kanyang bitbit na IBF light flyweight crown laban kay Mexican challenger Pedro Guevara via split decision noong nakaraang taon sa Centro de ConÂvenciones sa Mazatlán, SiÂnaloa, México.
Matutunghayan din ang laban ni John Mark ‘Iceman’ Apolinario ng Maasin, Sarangani kay dating two-division world champion Roberto ‘La Araña’ Vasquez ng Panama para sa WBA interim bantamweight belt.
- Latest