^

PM Sports

Bautista, Palicte naghatid ng panalo para sa Pinoy Youth Boxers

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dumaan sa butas ng karayom sina Ian Clark Bautista at James Palicte bago nakuha ang mga panalo sa pagbubukas kahapon ng 2013 ASBC Asian Confederation Youth Boxing Championship sa Subic gym.

Naunang sumalang si Bautista na nakuha ang 33-30 panalo sa count back kay Kavinder Bisht ng India sa flyweight division.

Dominado ni Bautista ang unang dalawang round sa 3-round bout  matapos hawakan ang 6-4 at 8-7 kalamangan.

Pero naging agresibo si Bisht sa huling round na kanyang dinomina, 3-2, para magtabla ang dalawa sa 10-all at isailalim sa count back ang laban na pumabor kay Bautista.

Nakitaan din ng tibay si Palicte na hindi pinaporma si Yuuta Akiyama ng Japan tungo sa 11-9 panalo sa lightweight division.

Sa first round pa lamang ay pinupog na ng suntok ni Palicte ang Hapon para sa 4-2 kalamangan. Nakontento sa depensa si Palicte sa sumunod na dalawang rounds para mapanga-lagaan ang dalawang puntos na abante.

Si 2011 World Youth champion Eumir Felix Marcial ang ikatlong boksingero na sumalang sa u-nang araw ng kompetisyon na inorganisa ng ABAP-PLDT at may ayuda pa ng Subic Bay Metropolitan Authority  kahapon.

Kalaro ni Marcial si Chamurat Cherkezov ng Turkmenistan sa light welterweight class habang sinusulat ang balitang ito at hanap ang ikatlong sunod na panalo ng Pilipinas.

Ngayong araw naman nakatokang sumalang ang huling dalawang boksingero ng bansa na sina World Junior bronze me-dal winner light flyweight Jade Bornea at bantamweight Jonas Bacho.

Si AIBA president Dr. Ching-Kuo Wu kasama si ASBC executive director Aziz Kozhambetor ang mga nanguna sa opening ceremony.

ASIAN CONFEDERATION YOUTH BOXING CHAMPIONSHIP

AZIZ KOZHAMBETOR

BAUTISTA

CHAMURAT CHERKEZOV

DR. CHING-KUO WU

EUMIR FELIX MARCIAL

IAN CLARK BAUTISTA

JADE BORNEA

JAMES PALICTE

PALICTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with