^

PM Sports

Hagdang Bato humataw uli

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tulad ng dapat asahan, dominado uli ng Hagdang Bato ang nilahukang 2013 Philracom Commissioner’s Cup para mapaakyat sa 13 sunod ang pagpapanalo na ginawa noong Sabado sa Santa Ana Park, Naic, Cavite.

Nag-jogging lamang ang apat na taong kabayo na diniskartehan uli ni jockey Jonathan Hernandez sa 1,800m karera upang madaling maipagkaloob ang P720,000.00 unang gantimpala sa winning horse owner na si Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos.

Naghatid ng gantimpalang P270,000.00 ang Righthererightnow na sakay ni RC Baldonado habang P150,000.00 ang ibinigay sa Tensile Strength na  hawak ni Rodeo Fernandez.

Ang Barkley na ginabayan ni Kevin Abobo ay mayroong P60,000.00 premyo.

Nasilat naman ang hanap na two-for-two ni Hernandez sa dalawang malalaking karera na pinaglabanan sa araw na ito nang pumangalawa lamang ang dinalang Gee’s For Victory sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Special Maiden Race na isinagawa sa 1,200m distansya.

Inilabas nina Hernandez at Guce ang dalawang kabayo at pagpasok sa rekta ay siyang naglalaban na.

Pero buo pa ang lakas ng Stand In Awe na nanalo ng isang dipa sa Gee's For Victory para maipaghiganti rin ang pagkatalo sa idinaos na Trial race.

Halagang P600,000.00 ang nasungkit ng connections ng Stand In Awe na ibinigay ng nagtataguyod na PCSO.

Naghatid ang win ng Stand In Awe ng P11.50 habang P19.00 ang dibidendo sa 5-4 forecast.

May P5.00 ang win ng Hagdang Bato at P10.00 sa 1-2 forecast.

 

ANG BARKLEY

FOR VICTORY

HAGDANG BATO

HERNANDEZ

JONATHAN HERNANDEZ

KEVIN ABOBO

MANDALUYONG CITY MAYOR BENHUR ABALOS

NAGHATID

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

STAND IN AWE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with