^

PM Sports

Heat kinuha ang unang playoff seat sa season: LA Lakers wagi sa Raptors sa OT

Pang-masa

MIAMI -- Humakot si LeBron James ng 25 points at 10 rebounds, habang naglista naman si Dwyane Wade ng 22 points para banderahan ang Miami Heat sa 102-93 panalo kontra sa Philadelphia noong Biyernes ng gabi.

Ito ang pang-12 sunod na regular-season win ng Heat kontra sa 76ers at ika-13 sa Miami.

Nakamit din ng Heat ang kanilang pang-17 sunod na arangkada sa kabuuan.

Nagdagdag si Chris Bosh ng 16 points kasunod ang 12 ni Ray Allen at 11 ni Shane Battier para sa Heat, dinuplika ang kanilang ika-12 sunod na pinakamahabang winning streak sa NBA history at unang koponang nakakuha ng playoff spot ngayong season.

Iniupo si James sa bench sa 8:02 minuto sa fourth quarter at lamang ang Heat ng walong puntos.

Hindi na nakalapit ang 76ers kahit na 34 minuto lamang ang inilaro ni James.

Sa Los Angeles, ipinasok ni Kobe Bryant ang panablang 3-pointer sa huling limang segundo sa re­gu­lation period at isinalpak ang isang go-ahead basket sa natitirang 10 segundo sa overtime para igiya ang Los Angeles Lakers sa 118-116 panalo kontra sa Toronto Raptors at ilista ang kanilang ikalawang sunod na come-from-behind win.

Nakabalik ang Lakers mula sa isang 25-point deficit upang biguin ang New Orleans Hornets noong nakaraang Miyerkules.

 

CHRIS BOSH

DWYANE WADE

KOBE BRYANT

LOS ANGELES LAKERS

MIAMI HEAT

NEW ORLEANS HORNETS

RAY ALLEN

SA LOS ANGELES

SHANE BATTIER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with