^

PM Sports

SMBeermen tangkang pigilan ang Warriors

AT - Pang-masa

Laro ngayon

(Senayan, Indonesia)

8 p.m. – San Miguel Beer vs Indonesia Warriors

 

MANILA, Philippines - Isang streak ang mapuputol matapos ang tagisan uli ng San Miguel Beer at Indonesia Warriors sa 4th ASEAN Basketball League (ABL) ngayong gabi sa Senayan, Indonesia.

May iniingatang pitong  sunod na panalo ang Warriors para pangunahan ang liga (7-2) habang nasa pangalawang puwesto ang Beermen sa 5-3 karta, kasama ang dalawang dikit na panalo.

Ang laro ay itinakda sa ganap na ika-8 ng gabi at ang mananalo ay magtataglay ng 2-1 baraha sa kanilang head-to-head.

Babalik na sa Beermen ang mga imports na sina Brian Williams at Gabe Freeman para pala-kasin ang laban kontra sa Warriors na kumabig ng 98-96 overtime panalo sa huli nilang tagisan noong Pebrero 8.

Si Williams ay hindi nakasama ng koponan sa huling dalawang laro dahil sa knee injury habang wala si Freeman sa kinuhang 77-66 panalo sa Westports Malaysia Dragons noong Marso 2 dahil sa ipinataw na suspension ng liga.

Hinatak ng Beermen si Matt Rogers para ipalit pan-samantala kay Williams at nagtala siya ng 1-1 karta.

Bukod kina Freeman at Williams, aasahan din ng magandang laro ang pointguard na si Chris Banchero na naghahatid ng 16.3 puntos, 2.6 rebounds at 4.1 assists habang ang iba pang dapat kuminang ay sina Asi Taulava at Leo Avenido.

Sina Steve Thomas, Chris Daniels, Mario Wuysang, Jerick Canada at John Smith ang mangunguna sa Warriors na papasok mula sa 69-60 panalo sa Chang Thailand Slammers noong Marso 6.

ASI TAULAVA

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

BRIAN WILLIAMS

CHANG THAILAND SLAMMERS

CHRIS BANCHERO

CHRIS DANIELS

GABE FREEMAN

INDONESIA WARRIORS

SAN MIGUEL BEER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with