^

PM Sports

2 FEU cagers mahaharap sa suspensyon

RC - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bagama’t negatibo sa paggamit ng anumang ipinagbabawal na gamot, posible pa ring maharap sa suspensyon sina American center Anthony Hargrove, Jr. at Canadian Adam Mohammed ng FEU Tamaraws.

Ito ang pahayag kahapon ni FEU president Anton Montinola hinggil sa magging parusa kina Hargrove at Mohammed na nahulihan ng ilang marijuana stick sa Nicanor Reyes Street sa panulukan ng Recto Avenue sa University Belt area malapit sa FEU campus kamakailan.

“There were no char-ges because of insufficient evidence. Nag-drug test sila at negative,” wika ni Montinola kina Hargrove at Mohammed. “Kung bumagsak sila sa drug test, malamang expelled sila.”

Idinagdag pa ng FEU chief na nahaharap sina Hargrove at Mohammed sa isang disciplinary action. “Subject sila sa discipli-nary action ng eskuwelahan. Kasi na-break nila ‘yung curfew,” ani Montinola. “May investigation pa ang school regarding the matter.”

Nakuha kina Hargrove at Mohammed ang dalawang marijuana sticks at sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana.

vuukle comment

ANTHONY HARGROVE

ANTON MONTINOLA

BAGAMA

CANADIAN ADAM MOHAMMED

HARGROVE

IDINAGDAG

MONTINOLA

NICANOR REYES STREET

RECTO AVENUE

UNIVERSITY BELT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with