^

PM Sports

Knicks iginiya ni Anthony sa panalo kontra Wizards

Pang-masa

WASHINGTON -- Dumiretso ang New York Knicks sa kanilang pa­­ngatlong sunod na panalo nang gibain ang Wa­shington Wizards, 96-88, noong Biyernes ng gabi.

Umiskor si Carmelo Anthony ng 30 points, habang nagdagdag ng 23 si Raymond Felton para sa Knicks na hindi pinaiskor ang Wizards sa huling apat na minuto.

Nagtala naman si Jason Kidd ng masamang 4 points, 5 assists, 5 fouls at 0-for-4 shooting sa 3-point area.

“I didn’t come in this league as a scorer and it doesn’t look like I’m going to leave as a scorer,” nakangiting wika ni Kidd. “The big thing is to keep taking those shots. They all feel good, look good. I’ll have to talk to the ‘3’ gods.”

Ipagdiriwang ni Kidd ang kanyang ika-40 kaa­ra­wan ngayong buwan at kasalukuyang nasa kanyang pang-19 season.

Binanderahan ni ro­okie Bradley Beal ang Wi­zards mula sa kanyang career-high 29 points.

Matapos isalpak ni Beal ang kanyang 3-pointer sa huling 4 mi­nuto sa fourth quarter na nag­­lapit sa  Washington sa 86-87, hindi na sila pi­­naiskor ng New York hang­gang sa final buzzer.

Nakatakdang harapin ng Knicks at ni Anthony si LeBron James at ang Miami Heat.

“We will be prepared for Miami,” wika ni Anthony, ang kanyang 3-pointer sa huling 2:30 mi­nuto ang nagbigay sa Knicks ng 92-87 abante.

BRADLEY BEAL

CARMELO ANTHONY

JASON KIDD

KIDD

MIAMI HEAT

NEW YORK

NEW YORK KNICKS

RAYMOND FELTON

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with