^

PM Sports

3 hinete kumubra ng tig-2 panalo

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tatlong hinete ang kumubra ng tig-dalawang panalo sa huling araw ng pista sa buwan ng Pebrero.

Noong Huwebes ng gabi sa bakuran ng Santa Ana Park sa Naic, Cavite nasilayan uli ang husay ng mga beteranong hinete na sina Jonathan Hernandez at Jeff Bacaycay bukod pa sa galing ng baguhang si JB Guerra para magkaroon ng magandang pamamaalam sa ikalawang buwan ng taong 2013.

Si Hernandez ay na-ngibabaw sa mga kaba-yong Fierce And Fierry sa race 2 at Jazz Connection sa race 10  na idineklarang dehado at liyamadong kabayo, ayon sa pagtakbo.

Sa kabilang banda, si Bacaycay ay nangibabaw sa mga kabayong Mr. Integrity sa race 1 at Connor Topnotcher sa race 8.

Lumabas na pangalawang pinakadehadong kabayo na nanalo ang Connor Topnotcher  na winakasan ang magkasunod na pang-apat na puwestong pagtatapos sa dalawang takbo sa buwan ng Pebrero.

Naghatid ng P35.00 ang win ng   naturang kabayo habang P69.00 ang dibidendo sa tambalan nila ng Masmasaya Sa Pinas na 3-7 sa forecast.

Namayani naman si Guerra sa Michika sa race 5 at sa Paris Melody sa race 7.

Ang panalo ng Paris Melody ay ikaapat na sunod at tinalo ang Deputy Jazz na nalagay sa ikalawang segundo puwestong pagtatapos.

Dikit-dikit ang benta kaya nasa P11.50 ang ibinigay sa win habang P33.00 ang dibidendo sa 6-7 forecast.

 

vuukle comment

CONNOR TOPNOTCHER

DEPUTY JAZZ

FIERCE AND FIERRY

GUERRA

JAZZ CONNECTION

JEFF BACAYCAY

JONATHAN HERNANDEZ

MASMASAYA SA PINAS

MR. INTEGRITY

PARIS MELODY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with