^

PM Sports

Lakers, Clippers namayagpag

Pang-masa

MANILA, Philippines - Kapwa nagtagumpay ang LA Lakers at LA Clippers sa kanilang magkahiwalay na laban sa NBA nitong Huwebes ng gabi sa U.S.

Sa Los Angeles, umiskor si Kobe Bryant ng 33-points at nagdagdag si  Antawn Jamison ng 17 sa ika-21 sunod na panalo ng Lakers kontra sa  Minnesota, 116-94.

Pumukol sina Bryant at Jodie Meeks ng apat sa 16 triples ng Los Angeles. Si Meeks ay tumapos ng 16 points para sa Lakers na nanalo ng 12 sa 17 laro tungo sa 29-30 record upang makalapit ng dalawang laro sa Houston para sa ikawalong puwesto sa  playoffs sa Western Conference.

Nagtala naman si J.J. Barea ng 20 points at nagdag-dag si Luke Ridnour ng 19 para sa Timberwolves na natalo ng apat na sunod,  20 sa huling  24 games.

Sa Indianapolis, sinamantala ng Clippers ang pagkawala ng suspindidong si Roy Hibbert.

Sa mga salaksak ni Blake Griffin at mga drive ni Chris Paul, dinomina ng Clippers ang gitna na pumuwersa sa masamang laro ng Indiana.

Umiskor si  Paul ng 29 points, kapos ng isa sa kanyang season high at tumapos si Griffin ng 18 points at 14 rebounds nang pigilan ng Clippers ang paghahabol ng Indiana tungo sa 99-91 panalo.

vuukle comment

ANTAWN JAMISON

BLAKE GRIFFIN

CHRIS PAUL

JODIE MEEKS

KOBE BRYANT

LOS ANGELES

LUKE RIDNOUR

ROY HIBBERT

SA INDIANAPOLIS

SA LOS ANGELES

SI MEEKS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with