^

PM Sports

RoS lusot sa Air21 Kahit nawala ang import

FMangonon - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bagama’t nawalan ng import sa huling 75 segundo ng laro, nagawa pa rin ng Rain or Shine na makalusot sa Air21, 99-97 para sumosyo sa pangalawang puwesto sa team standings ng PBA Commissioner’s Cup na nagpatuloy kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Isang three-point ni Ryan Araña at isang free-throw split ni JR Quiña-han sa huling minuto ng laro ay sapat na para masungkit ng Elasto Painters ang kanilang pangatlong sunod na panalo pagkatapos matalo sa kanilang unang laro kontra sa Alaska, 83-81 noong Feb. 9.

May 3-1 panalo-talo na ang Rain or Shine, ang parehong record ng Petron Blaze at Barako Bull at nasa likod lamang sila ng nangungunang 4-0 ng Alaska.

Bumaba naman sa 1-3 ang record ng Express matapos malasap ang ikatlong sunod na talo.

“We got really lucky to win this game. Our import was in foul trouble for most of the second half. He played very little minutes and fouled out. We were really having problems  matching up with their import especially at low post. Aside from that, they were hitting their three-point shots,” paha-yag ni Rain or Shine head coach Yeng Guiao, ang huli ay bilang pagtukoy sa 12-of-25 three-point shooting ng Air21.

Pagkatapos ng triple ni Arana na nagpaluwag sa paghinga ng Elasto Painters dahil sa 98-94,  bentahe may 53.2 segundo na lamang ang natitira, agad itong binawi ng three-pointer din ni Wynne Arboleda na nagbaba sa kalamangan ng RoS sa 98-97, may 42.4 seconds pa ang natitira sa laro.

Pero isang free-throw ni Quinahan, isang mintis ni Arboleda sa tres at isang inbound error ni Mike Cortez sa huling possession ng laro ang sumiguro ng panalo ng Rain or Shine na pinangunahan pa rin ng 17 puntos ni Sundov na nagfoul-out may 1:15 minuto pa ang natitira sa laro.

Ang 22 puntos, 10 rebounds at limang assists naman ni Michael Dunigan ang nanguna sa apat na players na umiskor ng double figures para sa Air21, kabilang si KG Canaleta na may 18 puntos, karamihan ay mula sa 5-of-6 triple shooting.

RAIN OR SHINE 99 - Sundov 17, Lee 15, Araña 11, Quiñahan 9, Norwood 8, Rodriguez 8, Matias 7, Cruz 6, Uyloan 5, Belga 5, Tiu 4, Ibanes 4.

AIR21 97 - Dunigan 22, Canaleta 18, Isip14, Cortez 14, Wilson 11, Arboleda 9, Atkins 4, Reyes 3, Omolon 1, Ritualo 1, Sena 0, Baclao 0, Custodio 0.

Quarterscores: 26-20, 43-41, 74-72, 99-97.

 

vuukle comment

ARBOLEDA

BARAKO BULL

CANALETA

ELASTO PAINTERS

MICHAEL DUNIGAN

MIKE CORTEZ

PETRON BLAZE

RYAN ARA

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with