^

PM Sports

Viloria, 3 pa paparangalan sa PSA Awards Night

Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang mga panalo ng apat na Filipino boxers ang sumagip sa local professional boxing mula sa dalawang kabiguan ni boxing superstar Manny Pacquiao noong nakaraang taon.

 Nanalo sa kani-kanilang mga weight divisions sina Brian Viloria, Johnriel Casimero, Donnie Nietes at Sonny Boy Jaro.

Dahil dito, pararangalan sina Viloria, Casimero, Nietes at Jaro bilang mga co-winners ng professional boxer of the year award sa PSA-Milo Annual Awards Night sa Marso 16 sa Manila Hotel ballroom.

 â€œThey all deserve to be feted and share the spotlight when we honor the big achievers of 2012 in two weeks time,” sabi ni PSA president Rey Bancod ng Tempo matapos ang isang board meeting.

 Hinirang si Nonito Donaire, Jr. kasama si female boxer Josie Gabuco, ang Ateneo Blue Eagles at ang world champion Manila women’s softball squad bilang co-Athletes of the Year ng pinakamatandang media organization sa bansa.

Kinilala ang 31-anyos na si Viloria bilang unified world flyweight champion matapos ang kanyang 10th round knockout win kay Mexican Hernan ‘Tyson’ Marquez noong Oktubre sa Los Angeles.

 Naidepensa naman ni Casimero ang kanyang IBF junior flyweight belt via split decision win kontra kay Pedro Guevarra sa Sinaloa, Mexico noong Agosto.

Napanatili naman ni Nietes ang kanyang WBO light-flyweight crown matapos igupo si Felipe Salguero noong Hulyo sa Resorts World Hotel sa Pasay City.

Ginulat ni Jaro ang boxing world nang umiskor ng isang sixth round knockout win sa maalamat na si Thai fighter Pongsaklek Wonjongkam para angkinin ang WBC flyweight title sa Chonburi, Thailand.

Paparangalan din sina pro cager Mark Caguioa, jockey Jonathan Hernandez, pro golfer Tony Lascuna, ang kaba-yong Hagdang Bato at sina amateur cager Bobby Ray Parks at amateur golfer Dottie Ardina sa nasabing annual awards na suportado ng Philippine Sports Commission, Globalport 900, Rain or Shine, Philippine Basketball Association, Smart, LBC, Senator Chiz Escudero at ICTSI-Philippine Golf Tour.

Sinabi ni Bancod na ipa-finalize na ng PSA Board ang listahan ng mga awardees, kasama dito ang tatanggap ng Antonio Siddayao plum, citations at iba pang special awards.

ANTONIO SIDDAYAO

ATENEO BLUE EAGLES

ATHLETES OF THE YEAR

BOBBY RAY PARKS

BRIAN VILORIA

CASIMERO

DONNIE NIETES

DOTTIE ARDINA

FELIPE SALGUERO

HAGDANG BATO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with