^

PM Sports

Rodman bibisita sa Korea

Pang-masa

PYONGYANG, North Korea – Papunta ang da-ting sikat na NBA star na si Dennis Rodman sa North Korea kasama ang VICE media company – na may tattoos, piercings, bad-boy reputation at lahat na.

Si Rodman na nakilalang ‘The Worm’ ay nakatakdang dumating nitong Martes sa Pyongyang na di akalaing magiging ambassador for sports diplomacy sa panahon na maigting ang tensiyon sa pagitan ng U.S. at North Korea.

Bibisita sina Rodman, tatlong miyembro ng Harlem Globetrotters basketball team, isang VICE correspondent at production crew ng kumpanya sa North Korea upang mag-shoot para sa isang TV show na nakatakdang ipalabas sa HBO sa April, sabi ng VICE sa The Associated Press sa isang exclusive interview bago umalis ang grupo mula sa Beijing.

Ito ang ikalawang high-profile American na bibisita ngayong taon sa North Korea, ang bansang nananatiling nakikipag-iringan sa U.S. at dalawang linggo pa lamang ang nakalilipas matapos magsagawa ang North Korea ng underground nuclear test na labag sa U.N. ban laban sa atomic at missile activity.

Surpresang bumisita ang executive chairman ng Google na si Eric Schmidt para sa four-day trip sa Pyongyang kung saan nakipagkita siya sa mga opis-yal at inikot ang mga computer labs noong January, ilang linggo lamang nang paliparin ng North Korea ang isang satellite sa kalawakan.

Kinokonsidera ng Washington, Tokyo, Seoul at iba pa na ang mga naturang rocket launch at nuclear test na isang provocative acts na malaking banta sa regional security.

ASSOCIATED PRESS

BEIJING

BIBISITA

DENNIS RODMAN

ERIC SCHMIDT

GOOGLE

HARLEM GLOBETROTTERS

NORTH KOREA

SI RODMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with