Ang sikreto ni Abalos sa kanyang tagumpay
MANILA, Philippines - Hindi sa dami ng kabayo kungdi ang magkaroon ng magandang programa ang dapat na taglay ng isang horse owner para magtagumpay sa larangan ng horse racing.
Ito ang sinabi ni Mandaluyong City Mayor Benhur Abalos sa naging susi kung bakit kinilala siya bilang pinakamahusay na horse owner ng 2012.
Aminado si Abalos na kakaunti lamang ang kanyang mga pangarerang kabayo pero pinapawi niya ito sa pagkakaroon ng magandang programa tulad ng magandang palahi at tamang pagpili ng mga hinete na alam kung paano dalhin ang mga kabayo.
Bukod pa ito sa pagpapakita ng mahabang pasensya dahil kailangang ala-gaan ang isang kabayo habang bata pa at walang kasiguruhan na magiging mahusay ang nasabing kabayo.
“Wala pang 12 ang mga runners ko pero isang kabayo, nanalo ng P13 millon plus. It’s all about having the right program,†wika ni Abalos.
Ang Hagdang Bato ang siyang naging pambatong kabayo ni Abalos matapos maghatid ng P13,465,977.05 premyo sa 11 diretsong panalo. Winalis din halos ng Hagdang Bato ang malalaking karerang pinaglabanan sa pangunguna na ng tatlong leg na Triple Crown at Presidential Gold Cup.
Espesyal para kay Abalos ang naturang kabayo dahil siya ang tumayong breeder ng kabayo.
“The feeling is overwhelming. Doubled ang kasiyahan na nararamdaman ko dahil ako rin ang naging breeder ng kabayo. Hindi ito tulad ng binili mo lamang na kabayo dahil it takes years para malaman mo kung tama ang ginagawa mo,†dagdag ni Abalos.
Nabiyayaan din umano si Abalos ng pagkakaroon ng mare horse na Fire Down Under na nagbigay sa kanya ng tatlong mahuhusay na kabayo.
Bukod sa Hagdang Bato, anak din ng nasabing kabayo ang mahusay na Ibarra at Redemption.
Ang Ibarra ay isang double leg winner ng Triple Crown at muntik nang maging Triple Crown winner kungdi minalas na na-injured bago ang ikatlong leg.
- Latest