Barrera manonood sa Nietes-Fuentes fight
MANILA, Philippines - Inaasahang manonood si Mexican ring legend Marco Antonio Barrera sa championship fight nina Donnie ‘Ahas’ Nietes at Mexican challenger Moises Fuentes sa Sabado sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu City.
Sinabi ng kanyang kapatid na si Jorge na uupo ang 39-anyos na si Barrera sa ringside para panoorin ang paghahamon ng kanilang kababayang si Fuentes kay Nietes na itataya ang suot na World Boxing Organization light flyweight crown.
“Marco Antonio will watch the fight,†ani Jorge kay Barrera, dalawang beses tinalo ni Filipino world eight-division champion Manny Pacquiao via 11th-round TKO noong Nobyembre 2003 at isang unanimous decision sa kanilang rematch noong Oktubre 2007.
Ayon kay Jorge, nasasabik si Barrera na bumisita sa Pilipinas.
“Marco is very excited to come to the Philippines because Marco knows that the Philippines is a country with many good boxers like Manny Pacquiao,†wika ni Jorge, ang tumatayong manager ni Fuentes, sa kanyang nakababatang kapatid.
Kung magkikita sina Barrera at Pacquiao, sinabi ni Jorge na hindi niya ito masisigurong mangyayari.
“I don’t know if it will happen because the fight is in Cebu and Manny Pacquiao is very busy,†sabi ni Jorge.
Huling lumaban si Barrera, nagposte ng 67-7-0 win-loss-draw ring record kasama ang 44 KOs, noong Pebrero 12, 2011 kung saan niya pinabagsak si Jose Arias sa second round ng kanilang 10-round, non-title fight.
Ang 40-anyos na si Jorge, naging professional boxer noong 1989 at may 20-10-1 (8 KOs) record, ay nagbalik sa boxing ring noong 2010 matapos ang 12 taon na pahinga at napatulog ni Gilberto Sanchez sa second round.
- Latest