^

PM Sports

Jones Cup champion Smart Gilas paparangalan ng PSA President’s award

Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa taon na mas maraming mintis kaysa sa puntos sa local sports, nagbigay ng karangalan ang Gilas Pilipinas basketball squad nang magkampeon sa Williams Jones Cup sa Taiwan sa unang pagkakataon matapos ang 14 taon.

Dahil dito, gagawaran ang Gilas Pilipinas ng President’s award sa PSA-Milo Annual Awards Night sa Marso 16 sa Manila Hotel ballroom.

Makakasama ng koponan sa center stage ang mga atletang nagtagumpay noong 2012 sa pangunguna nina boxer Nonito Donaire, female boxer Josie Gabuco, ang Manila women’s softball team at ang Ateneo Blue Eagles, na mga co-winners ng PSA Athletes of the Year Award.

Ang mga miyembro ng Gilas team ay sina L.A Tenorio, hinirang na Most Valuable Player sa Jones Cup, Jeff Chan, Larry Fonacier, Gabe Norwood,  Gary David, Ranidel De Ocampo, Sonny Thoss, Rico Villanueva, Jay-R Reyes, Mac Baracael, Garvo Lanete, Matt Ganuela, Sol Mercado at Marcus Douthit.

Sa paggiya ni coach Chot Reyes, nagtala ang Gilas ng 7-1 record sa one-round tournament, kasama na makapigil hiningang 76-75 panalo kontra sa United States para sa korona.

Ang mga pinabagsak ng Gilas ay ang Jordan (88-78), Guangha (99-68), Korea (82-79), Japan (88-84) at Iran (77-75), habang natalo naman sila sa Lebanon (72-91).

Huling naghari ang bansa sa Jones Cup noong 1998 sa pamamagitan ng PBA Centennial Team ni mentor Tim Cone.

Ito ang ikatlong Jones Cup crown ng bansa matapos ang panalo ng tropa ni Ambassador Danding Cojuangco.

“Ít’s an honor they richly deserve. The team surprised almost everyone given the depth of the field,” sabi ni PSA president Rey Bancod ng Tempo matapos ang PSA board meeting.

Pararangalan ang mahabang listahan ng mga awardees sa nasabing 2-hour rites na suportado ng Philippine Sports Commission, Harbour Centre, Rain or Shine, Philippine Basketball Association, Smart, LBC, Senator Chiz Escudero, at ICTSI.

Kabilang sa mga major awardees ay sina Mark Caguioa (pro basketball), Bobby Ray Parks (amateur basketball), Tony Lascuna (men’s golf), Dottie Ardina (women’s golf), ang kabayong Hagdang Bato (Horse of the Year) at Jonathan Hernandez (Jockey of the Year).

A TENORIO

AMBASSADOR DANDING COJUANGCO

ATENEO BLUE EAGLES

ATHLETES OF THE YEAR AWARD

BOBBY RAY PARKS

CENTENNIAL TEAM

CHOT REYES

GILAS PILIPINAS

JONES CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with