PBA D-League Aspirants’ Cup Simula ng pagtutuos ng NLEX at Cagayan
Laro ngayon (Ateneo Blue Eagle Gym)
best-of-three finals showdown
3 p.m. – Cagayan Valley vs NLEX (Game 1)
MANILA, Philippines - Sisikapin ng NLEX Road Warriors na itatak ang kanilang marka sa Cagayan Valley sa pagbubukas ng PBA D-League Aspirants’ Cup Finals ngayon sa Ateneo Blue Eagle Gym.
Ang natatanging tagisan ay magsisimula sa ganap na ika-3 ng hapon at tiyak na pursigido ang Road Warriors na makauna sa best-of-three title series para mamuro sa puntiryang ikaapat na sunod na titulo.
Napahirapan ang bataan ni coach Boyet Fernandez ng Jose Rizal University nang mangailangan sila ng deciding third game bago naihirit ang 87-85 panalo.
Aminado si Fernandez na hindi rin magiging madali ang laban kontra sa Rising Suns dahil tulad ng Heavy Bombers, ang sophomore team ay puno rin ng enerhiya kung lumaban.
“Inspirado rin sila dahil nasa finals sila at tiyak na dagdag energy ito sa kanila. Kailangang tapatan namin ang kanilang intensity at magpakita ng magandang depensa para manalo,†wika ni Fernandez.
Inaasahang babalik ang higanteng si Greg Slaughter sa larong ito matapos lumiban sa huling tagisan dahil sa nananakit na balikat.
Bukod kay Slaughter, tiyak din ang pagbuhos ng laro ng mga kamador na sina Ian Sangalang, Ronald Pascual, RR Garcia at Kevin Alas.
Galing naman sa 80-68 panalo ang Rising Suns sa Blackwater Sports upang tabunan na ang 0-9 kam-panya sa nagdaang conference.
“Mataas ang morale ng mga bata at confident ako na kaya nilang harapin ang team na nagdo-dominate sa liga,†wika ni coach Alvin Pua na lumasap ng 75-84 pagkatalo sa NLEX sa pagkikita sa eliminasyon.
Bagama’t nakitaan ng magandang laban sa semifinals, kailangang masilayan ng consistency ang manlalaro ng Cagayan dahil bawat mali ay tiyak na sasamantalahin ng beteranong koponan na NLEX.
- Latest