25 bansa nagkumpirma sa ASBC Youth Boxing C’ships
MANILA, Philippines - Nagkumpirma na ng kanilang paglahok ang China, North Korea, ang mga dating Soviet Republic at Middle Eastern bloc, kasama ang Syria, para sa 2013 ASBC Asian Confederation Youth Boxing Championships sa Marso 10-17 sa Subic gym.
Higit sa 25 bansa, kasama ang Pilipinas, ang ina-asahang lalahok sa torneo.
Tiniyak na rin ng Kazakhstan, Mongolia, Macau, Jordan, Kyrgyzstan, Chinese Taipei, Turkmenistan, Iran, Vietnam, Uzbekistan, Japan, Malaysia, Hong Kong, Indonesia, Singapore, Iraq, Sri Lanka, Pakistan at Bangladesh ang kanilang partisipasyon.
“This is fast becoming a logistical challenge but we are meeting it head-on,†sabi ni ABAP president Ricky Vargas bago pa-kawalan ang PLDT-ABAP National Championships noong Sabado sa Maasin City gym sa Southern Leyte. “We are getting good support from the Asian Boxing Confederation and even the International Boxing Association (AIBA). As a matter of fact, AIBA president Dr. Ching Kuo Wu has already confirmed that he will attend. Likewise ASBC president Gofur Rakhimov. SBMA has also enthusiastically helping, as our friends from PLDT and Smart. We’re looking forward to a great tournament.â€
Magbabakbakan ang mga boksingerong may edad na 17 hanggang 18-anyos sa 10 weight divisions mula sa 49kgs light flyweight hanggang sa 91kgs super heavyweight.
- Latest