^

PM Sports

1-0 sa NLEX, Cagayan sa D-League semifinals

AT - Pang-masa

Laro bukas (Ynares Sports Arena)

2 p.m. – JRU vs NLEX

4 p.m. – Cagayan Valley vs Blackwater Sports

 

MANILA, Philippines - Anim na manlalaro ng NLEX Road Warriors ang naghatid ng doble-pigura tungo sa madaling 105-85 panalo sa Jose Rizal University sa pagbubukas kahapon ng PBA D-League Aspirants’ Cup semifinals sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Naunang nagpasikat ang nasa ikalawang confe-rence ng paglahok na Cagayan Valley Rising Suns nang ilampaso ang mas beteranong Blackwater Sports, 91-76, sa unang laro.

Si Nico Salva ay may 14 puntos habang sina Ian Sangalang, RR Garcia, Kevin Alas, Greg Slaughter at Eric Camson ay nagsanib sa 57 puntos upang maipakita na walang naging masamang epekto ang mahabang pamamahinga ng NLEX.

“Determinado ang mga players na manalo kaya’t hindi nakita ang mahabang bakasyon,” wika ng three-time defending champion coach Boyet Fernandez ng NLEX  na huling naglaro noon pang Disyembre 20.

Nagpasabog ng 25 puntos si James Forrester at siyang arkitekto sa paglayo ng Rising Suns sa ikalawang yugto tungo sa 91-76 dominasyon sa Elite. Si 6’7” center Raymund Aguilar ay may 18 puntos at 17 boards habang si Eluid Poligrates ay tumapos bitbit ang 16 marka.

BLACKWATER SPORTS

BOYET FERNANDEZ

CAGAYAN VALLEY

CAGAYAN VALLEY RISING SUNS

D-LEAGUE ASPIRANTS

ELUID POLIGRATES

ERIC CAMSON

GREG SLAUGHTER

YNARES SPORTS ARENA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with