^

PM Sports

Anthony bumandera sa panalo ng Knicks

Pang-masa

MINNEAPOLIS -- Naiwanan ng 11 puntos sa fourth quarter laban sa koponan na alam ng New York Knicks na kaya nilang talunin.

Hindi naman inaasahan ni Carmelo Anthony ang kabiguan.

Humakot si Anthony ng 36 points at 9 rebounds pa­ra pangunahan ang Knicks sa 100-94 paggupo sa Min­nesota Timberwolves noong Biyernes ng gabi.

Ibinangon ni Anthony ang Knicks mula sa 76-87 ag­wat sa huling pitong minuto.

Ang isang 19-footer ni Anthony sa huling 1:10 ang tu­miyak sa panalo ng New York.

“This was one of the games we had to win,” sabi ni Anthony. “We had to go get it. Our backs were kind of against the wall, being down 11. It was one of those games we didn’t want to look back on saying we should have won this game, kind of like the Wizards game.”

Umiskor naman si Derrick Williams ng 19 points, ha­bang nagtala si Ricky Rubio ng 18 points at 11 assists para sa Timberwolves.

Ito ang ika-14 na kabiguan ng Minnesota sa ka­nilang hu­ling 16 laro.

Tumipa si Nikola Pekovic ng 16 points at 11 rebounds, ngunit walang nakadepensa sa Timberwolves sa pagratsada ni Anthony.

Nagdagdag si J.R. Smith ng 15 points at 8 rebounds para sa Knicks.

Umiskor si Luke Ridnour ng 20 points para sa pa­nig ng Minnesota, nagkaroon ng tsansang agawin ang una­han sa huling 30 segundo matapos makalapit sa New York sa 94-95.

 

CARMELO ANTHONY

DERRICK WILLIAMS

LUKE RIDNOUR

NEW YORK

NEW YORK KNICKS

NIKOLA PEKOVIC

RICKY RUBIO

SHY

TIMBERWOLVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with