^

PM Sports

WTA nakalusot sa panalo ng Superior Arch sa CD4

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nadiskaril ang mga mananaya sa hangaring makakubra sa pinaglabanang Winner-Tak-All noong Huwebes sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

May 1158 live units pa o 279 pa ang live tickets papasok sa huling karera nang makapanorpresa ang Superior Arch sa class division 4, race eight na inila-gay sa 1,200m distansya.

Si JA Guce ang hinete ng kabayo na nasalang sa unang karera sa taong kasalukuyan.

Ang halos isa't-kalahating pamamahinga ay tila nakatulong para ma-balik ang husay ng kabayo nang daigin ng Superior Arch ang  mas napaborang Admiral Contender na may dalawang tersero puwestong pagtatapos sa huling dalawang takbo.

Lumabas bilang pinaka-dehadong kabayo na nanalo ang Superior Arch para magkaroon ng carry-over sa WTA na ikinadismaya ng mga puro sa Admiral Contender.

Ang carry-over ay nasa P2,019,826.70 habang ang Super Six ay nagkaroon din ng carry-over na P144,752.19.

Ang mga tumaya sa Superior Arch ay nabiyayaan ng P101.00 dibidendo sa win habang mas malaking P1,716.00 ang ibinigay sa 9-8 forecast.

Umabot sa  halagang P4,156,022.00 ang benta sa WTA at unang nanalo ang Aranque sa race 2 na isang class division 6.

Pero nangalahati ang live ticket nang manalo ang Cataleyta sa race three na  nakitaan ng kalat-kalat na benta.

Sa race six ay mahigit na apat na libo na lamang ang live matapos makapanorpresa ang Wings Beneath sa pagdadala ni El Blancaflor na dinomina ang imported-local handicap race na inilagay sa 1,300m distansya.

Pumalo sa P29.50 ang dibidendo ng nanalong kabayo habang ang tambalan ng tinalong Kis-sable Toys na 7-3 ay may P283.00 dibidendo.

 

vuukle comment

ADMIRAL CONTENDER

ARANQUE

CATALEYTA

CAVITE

EL BLANCAFLOR

GUCE

SANTA ANA PARK

SUPER SIX

SUPERIOR ARCH

WINGS BENEATH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with