^

PM Sports

2 kabayong bumaba ng grupo kuminang

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang kabayo na bumaba ng grupo ang kuminang sa pagpapatuloy ng pista sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite noong Miyerkules ng gabi.

Ang Sauvignon na sinakyan ni JB Cordova at Mr. Universe na hinawakan ni CP Henson ang nakitaan ng ibayong takbo upang makatikim ng panalo sa taong 2013.

Kumarera sa class division 1-C ang Sauvignon ngunit napabuti ang pagtapik kay Cordova na hawakan ang kabayo sa ikatlong takbo nang manaig sa Storm Signal ni EL Blancaflor.

Naliyamado pa ang nanalong kabayo na huling tumakbo sa class division 1-B at tumapos sa pang-anim na puwesto nang maghatid ng P6.00 sa win. Nadehado naman ang Storm Signal  nang pumalo sa P40.00 ang dibidendo sa 9-6 forecast.

Samantala, dehadong nanalo ang Mr. Universe na dating hinawakan ni KS Bergancia. Tatlong karera ang sinagupa ng dating tambalan at ang pinakamagandang pagtatapos na naitala nila ay ikatlong puwesto noong Enero 5.

Ngunit maganda ang itinugon ng Mr. Universe sa pagrerenda ni Henson na naisantabi ang hamon ng mas pinaborang I Am Strong. Si Pat Dilema ang hinete ng kabayo na nanalo noong Enero 26.

Galing sa class division 4 na tumakbo sa CD3, ang win ng Mr. Universe ay naghatid ng P28.00  upang lumabas bilang pinakadehadong kabayo na kuminang sa ikalawang gabi sa Philippine Racing Club Inc. Mas magandang P208.00 ang ibinigay 9-5 forecast.

 

vuukle comment

ANG SAUVIGNON

CORDOVA

ENERO

HENSON

I AM STRONG

MR. UNIVERSE

PHILIPPINE RACING CLUB INC

SANTA ANA PARK

SI PAT DILEMA

STORM SIGNAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with