UAAP roundup: DLSU lady spikers pasok na sa semis
MANILA, Philippines - Inangkin ng two-time defending champion La Salle ang unang puwesto sa Final Four sa women’s volleyball sa pamamagitan ng 25-17, 25-16, 25-23, panalo sa FEU na ginawa noong Linggo sa The AreÂna sa San Juan City.
Ikasampung sunod na panalo ito ng Lady ArÂchers matapos matalo sa UST sa unang asignatura para mailista ang ika-14 na sunod na pagkakataon na nasa semifinals ang koÂponan mula nang ipairal ang Final Four sa liga noong 1993-94 season.
Kailangan na lamang ng koponan na maipanalo ang isa sa huling tatlong laro o matapos ng isa sa huling tatlong asignatura ang Adamson para haÂwakan ang mahalagang twice-to-beat advantage.
Nasa semifinals at may twice-to-beat advantage na rin ang FEU at host National University sa kaÂlalakihan nang manalo sa magkahiwalay na laro.
Tinuhog ng nagdedeÂpensang Tamaraws ang UE, 25-15, 25-23, 25-19, bago kinagat ng Bulldogs ang Ateneo, 25-21, 25-20, 25-18, upang maisuÂlong ang nangungunang karta sa 10-1.
Ateneo batters sa finals
Naudlot man ang tinarÂget na sweep sa elimination round, hindi naman nabigo ang Ateneo sa hangad na puwesto sa finals ng UAAP baseball nang kunin ang 4-2 panalo sa nagdedeÂpensang National UniverÂsity noong Linggo sa Rizal Memorial field.
Ang panalo ng Eagles, na pumangalawa noong nakaraang taon, ay pamÂbawi matapos sorpresahin ng UP noong Huwebes, 8-6, upang magwakas ang pitong sunod na panalo.
May 8-1 karta na ang Ateneo at sapat na ito para dumiretso sa chamÂpionship na inilagay sa best of three series.
- Latest