Wade team captain ng East, si Paul sa West
NEW YORK -- Si Dwyane Wade ang magiging team captain ng Eastern Conference habang si Chris Paul naman sa West sa Team event ng All-Stars Sa-turday activities.
Paglalabanan ng dalawang conferences ang $500,000 para sa charity sa Houston sa Feb. 16. Ang mananalong conference ay tatanggap ng $350,000 para sa kanilang mapipiling charities at $150,000 ang mapupunta sa matatalo.
Ang All-Star Saturday events ay kabibilangan ng slam dunk contest, 3-point contest, the Shooting Stars, at Skills Challenge. Susumahin ang puntos ng mga players para sa kanilang conferences.
Ang East ay maglalaro para sa Big Brothers Big Sisters at Make-A-Wish America habang ang West ay para sa Boys & Girls Club of America at sa Share Our Strength’s No Kid Hungry campaign.
Ang mga charities ay pinili nina Wade, Paul, NBA at Farm. Ang pera ay galing sa NBA Cares at State Farm.
- Latest
















