Extreme sports at extreme music
MANILA, Philippines - Magkakasama ang extreme sports at extreme rock and roll music sa Urban Extreme Sports Challenge sa Red Horse Beer Pambansang Muziklaban grand finals ngayong gabi sa pagitan ng EDSA at Roxas Boulevard.
Humigit-kumulang 150 BMX at mountain bikers ang maglalaban-laban para sa mga papremyo sa tatlong kategorya na magsisimula ng ika-7 ng gabi.
Kasali ang BMX riders sa mega ramp jump at half pipe events habang ang mountain bikers naman ay isasalang sa the MTB mega ramp jump category.
Pambato sa BMX events sina Dan Lopez, Paul Diaz, Mark Oliver, Hanry Chan, Dyrell Ellias, Zeus Adriano, James Lang, Noli Baga, Daboi Pineda at Rommel Fantillanan.
Sa mountain bike event naman ay aasahan sina Eboy Farr, Arjae Raymundo, Kristian Trinidad, Hemimio Castillo, Edgar Serabia, Cymond Kenneth Yumol, Hilton Tiam Lee, Macky Echiverri, Rolly Pinlac at Max Galsim.
Si Armand Mariano, kilala bilang isa sa pinakamagaling na BMX rider sa Asya, ay mapapanood sa isang pro demo event. Maliban sa extreme sports ay mayroon ding tattoo at graffiti wall competitions.
Sa main stage ay mapapanood ang amateur rock bands na A Music Theory, Katulad, Memoronnie, Disengage and Fidortchi. Sila ang mag maglalaban-laban para sa P500,000 papremyo pati recording contract.
Maaari ring mapanalunan ng mga manonood ang isang customized na 900cc Vulcan motorcycle na nagkakahalaga ng halos P1 milyon.
Para sa iba pang kaalaman, maglog-in lamang sa www.redhorsebeer.com.ph.
- Latest















