^

PM Sports

Must-win ang Cebuana vs JRU

AT - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nahaharap sa must-win game ang Cebuana Lhuillier sa pagbangga sa quarterfinalist na Jose Rizal University sa pagtatapos ng PBA D-League Aspirants’ Cup elimination  ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

May 4-5 karta ang Gems na haharapin ang Heavy Bombers sa ganap na ika-2 ng hapon at dapat silang manalo para manatiling  palaban para sa titulo

Isang kabiguan ang magtutulak sa koponan na mamahinga na kasabay ng pagbibigay sa Heavy Bombers ng number four seeding at twice-to-beat advantage sa katunggali sa quarterfinals.

“Maganda ang inilalaro ng JRU kaya mahihirapan kami. Gagawin namin ang aming makakaya at tignan natin kung ano ang mangyari,”wika ni Gems coach Beaujing Acot.

Susuporta sa koponan ang Big Chill na nakasalo ngayon ang Cagayan Valley (6-4) sa ikatlo at apat na puwesto, dahil ang makukuhang panalo ng Gems ang magbibigay ng twice-to-beat advantage sa kanilang koponan.

Ngunit kung ang tropa ni coach Vergel Meneses na may four-game winning streak, ang manaig, bababa sa number five ang Big Chill.

“Wala kaming pressure sa larong ito dahil pasok na kami pero palaban pa rin dahil mahalaga ang incentive para lumapit sa Final Four,” pahayag ni Meneses.

Wakasan taglay ang panalo ang nakataya na lamang sa Blackwater Sports sa pagharap sa talsik ng Erase Xfoliant sa ikalawang laro dakong alas-4 ng hapon.

Sa 7-2 ay okupado na ng Elite ang awtomatikong puwesto sa Final Four kasama ng pahinga at nangu-ngunang NLEX team.

BEAUJING ACOT

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

CAGAYAN VALLEY

CEBUANA LHUILLIER

D-LEAGUE ASPIRANTS

ERASE XFOLIANT

FINAL FOUR

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL UNIVERSITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with