So naka-draw lang pero pasok sa World Cup
TAGAYTAY City, Philippines - Nagkasya si Filipino Grandmaster Wesley So sa draw sa final round at second overall sa Asian Zonal 3.3 Chess Championshis, ngunit sapat na ito para makasiguro ng slot sa World Cup.
Walong rounds na nakikisalo sa liderato si So ngunit pinili niyang mag-play-safe sa final round kahapon at nakipag-draw kay Vietnamese GM Cao Sang matapos ang 30 moves ng Four Knights Game.
Ang top-seed na si So ay may kabuuang seven points matapos di makatikim ng talo sa kanyang naitalang 5-panalo at 4-draws sa nine-round Swiss system tourney para magtapos bilang No. 2 sa likod ni Vietnamese GM Nguyen Ngoc Truong Son na may 7.5 puntos.
“Ok lang na draw.Tiniyak ko na kasi ang pagpasok sa World Cup,†sabi ni So na nakatakdang sumali sa Reykjavic Open sa Iceland sa susunod na buwan.
Tinalo ng No. 2 seed na si Nguyen si Filipino GM John Paul Gomez para sa titulo at makakasama niya si So sa World Chess Cup.
Bukod kay So, nakakasiguro na rin ng slot sa World Cup si GM Oliver Barbosa.
Tumapos naman si Rogelio ‘Joey’ Antonio na ka-tie sa third place si Indon GM Susanto Megaranto na kanyang naka-draw matapos ang 30 moves ng Nimzo-Indian defense para sa kanilang parehong 6.0 puntos.
Kasama sa top eleven finishers sina GM Mark Paragua (Philippines), Nelson Villanueva (Philippines), GM Eugene Torre (Philippines), IM Bayarsaikhan Gundavaa (Mongolia), FM Gombusruen Munkhgal (Mongolia), GM Cao Sang (Vietnam) at GM Darwin Laylo (Philippines).
- Latest